Magmamahal ka na nga lang doon pa sa taong may mahal ng iba. Ang masakit pa dun, araw-araw pinapamukha sayo na hindi ka deserving para sa kanya at lagi kang sinasabihan na huwag mo ng ipagpilitan ang sarili mo sa isang tao na kahit kailan ay hindi ka niya kayang mahalin kasi may mahal na siyang iba at hindi ikaw yun.
*Apat na taon ko na siyang crush at sa apat na taong yun hindi na crush ang nararamdaman ko sa kanya kundi pagmamahal na.
*Lagi akong pumupunta sa rooftop ng baranggay hall kasi ito ang perfect place upang pagmasadan ng mabuti si Aj ang crush ko dati na mahal ko na ngayon. Ang panonood sa kanya tuwing may praktis siya o may game ay apat na taon ko na ring ginagawa at tambayan ko na rin ang rooftop na ito. Dito ko kasi binubuhos at inilalabas ang sama ng loob ko pero pag hindi ko na kaya dito lang ako umiiyak at ang maganda lang dito walang gugulo sayo pag gusto mong mapag-isa.Bigla akong nagulat ng bumukas ang pinto ng rooftop at sa hindi inaasahang pagkakataon pinuntahan pa ako dito ni Aj.
"Xandrine pwede ba tayong mag-usap?" Nabigla ako nung tinanong niya ako at dahil wala na ring salita ang lumalabas sa bibig ko, tumango na lang ako at pakiramdam ko nanghihina na ang tuhod ko. Nang nagkaroon na ako ng lakas na magsalita tinanong ko siya "Saan mo bang gustong mag-usap?" Halos labinglimang segundo rin bago niya ako sinagot "Dito na lang siguro." Sagot niya sa akin at naupo muna kami. Halos limang minuto rin kaming nakaupo rito. Gusto ko mang basagin ang katahimikan ngunit hindi ko magawa kasi naiilang ako hanggang siya ang unang nagsalita. "Xandrine, yung totoo may gusto ka ba sa akin?" Bigla akong napanganga sa tanong niya kasi hindi ko expect ang ganoong klaseng tanong. Hindi ako sumagot hanggang sa sumigaw siya "Xandrine, inuulit ko may gusto ka ba sakin?!" Tanong niya sa akin na pasigaw. Pero siguro ito na yung tamang panahon para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. "Oo Aj, gustong-gusto kita ay mali pala mahal na mahal kita." Sabi ko sa kanya at nagsimula nang magkarera ang mga luha ko na dapat mamaya pa to papatak. "P*tang ina" pagmumura niya at sinipa ang silya na malapit sa stock room.
"Alam mo ba kung ano ang masaklap? Noon pa kita mahal Aj kaya nga lang hindi ko magawang ipagtapat sayo kasi ang alam ko mahal na mahal mo siya at mahal ka rin niya at isa pa ayokong maging kontrabida sa love story niyo kahit na nasasaktan ako, okay lang kaya ko namang magtiis. Sapat na rin sa'kin na hanggang panaginip lang kita."
Sabat ko sakanya pero hindi siya nagulat sa halip nakatingin lang siya sa ibaba at mukhang meron siyang pinagmamasdan at sa tingin ko si Kyla yun ang girlfriend niya mag tatatlong taon na sila sa makalawa at nakakainggit sila lagi kasi silang magkasama at sweet na sweet sila sa isa't isa. "Kung wala ka ng sasabihin pwede ka ng umalis, iwanan mo na lang ako dito." Sabi ko sa kanya at aakma na siyang tatayo ng bigla akong uli nagsalita. "Hindi ba pwedeng ako na lang? Ano bang meron siya na wala ako? Mahal na mahal kita Aj kahit anong sabihin ko na kalimutan ka hindi ko magawa kasi nakaukit ka na dito sa puso eh!" Sabi ko sa kanya at tuluyan na siyang umalis tulad ng paglaho niya sa buhay ko.
Siguro nga hindi ako ang nararapat para sa kanya at siguro ito na ang tamang panahon para kalimutan siya. Simula ngayon hindi mo na ako makikita tutal malapit na rin akong mawala dito sa mundo at isa pa meron rin akong natutunan,
At yun ay ang...
Magmahal.
MAHAL KITA KAYA NGA LANG MAY MAHAL KA NG IBA.
Miss_A26_
