Special Update 6: Katsumi

Start from the beginning
                                    

Papasok pa lang ako ng may bumangga saking babae.

"Ano ba?! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" sigaw ko. 

"Eh bat hindi ikaw ang tumingin?!" singhal niya sakin.

"Eh ayoko bat ba!"

"Ayoko din! Huh! Akala mo kung sino ka! Sino ka ba ha?!"

"Si Katsumi! Ikaw sino ka ba?!"

"Si Allyzzah!"

"Oh edi mabuti. Nice meeting you. Pasok na." sabi ko at pinagbuksan pa siya ng pinto. Ngumiti naman ito at pumasok na.

Ang baliw no -_-

Sorry ha.

"Haha! Ang baliw natin! Nakakahiya!" natatawang sabi nito. Hindi ko nga alam bat kami magkasama eh. Siguro, napakiramdaman na lang na magsama kami dapat.

"Ngayon ka pa nahiya, eh tapos na tayo magsigawan." -_-

"Haha! Ganun talaga!" sabi nito at tawa pa din ng tawa. Di makager over si ateng? Bigla naman siyang napatigil at tumingin sakin. "Bat nga pala tayo magkasama?"

-_- "Ngayon ka lang nagtanong eh kanina pa tayo nakaupo at nag-uusap." 

"Haha! Sige na nga! Magsama na lang tayo! Total, loner ka, loner ako. Loner tayo!" lakas ng bunganga ng babaeng to.

"Yung bibig mo!" ngumiti lang ito. " At saka, kung magkasama tayo, hindi na tayo loner! Magkasama na nga diba? Nag-iisip ka ba?"

"Haha! Oo na lang Master Katsumi!" tuwang-tuwang sabi nito. Tinawag niya naman yung waiter. "Manong waiter, ung lagi kong binibili." nakangiting sabi nito dun sa waiter. Close lang?

OURS [Hala Ka!? Book 2]Where stories live. Discover now