MLH 5 ~ Weird, Right?

Start from the beginning
                                    

"Miss Kathryn Fuentebella?"

ngumiti lang siya.

HALA! TOTOO TO?

umayos ako ng upo.


bigla naman pumasok si Ate Kim... kilala ko siya dahil kapag inaatake ako ng sakit ko, siya ang nag-aalaga sa akin.

"Dea, tatawagan ko na si at---"

"HWAG!"

parang nabigla naman sila Miss Kathryn sa inasal ko... kyaah! pati si Mr. Daniel Fuentebella nandito! totoo ba to?

"Ha? Per----"

"Ate Kim okay na'ko. Ayokong mag-alala pa siya lalo."

"Per--"

"Please ate Kim?"

bumuntong hininga siya. "Fine. kukuha lang ako ng maiinom mo. Ms Kath and Mr Daniel, excuse me lang po."

tumango sila at lumabas na si Ate Kim.

alanganin pa akong nagbow...yung parang pag galang.

"G---good afternoon po..." alanganin ko ring bati.

sikat na pamilya kaya ang nasa harapan ko!! eh teka, ano bang ginagawa nila dito?

"Good afternoon, Zoey."

pumilit ako ng ngiti..Zoey?

una, hindi ako sanay na yan ang tinatawag sa akin dahil wala naman talagang tumatawag sa akin niyan.. props lang yata yan sa pangalan ko.

pangalawa, papaano nila nalamang may Zoey sa pangalan ko?

"Ahh...H--hehe."

ano ba to.

"Iha ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Mr. Daniel.

Kay gwapong nilalang! Alam ko na kung saan nagmana si Johnrey! hikhik.

"Opo...A--ano nga po palang...ginagawa niyo dito?"

lumapit sa akin si Ms Kath at hinawakan ang kamay ko.

"You were crossing the street without even knowing na naka green ang stop light."

My Last Heartbeat [KathNiel. JulQuen. NashLene]Where stories live. Discover now