Chapter Eight

Mulai dari awal
                                    

"Ang ganda dito, Daddy! Parang ang sarap magpagulung-gulong sa grass!" natatawang sabi niya habang nilalatag ni Geoff ang picnic blanket sa ilalim ng puno.

Napailing ito. "Stay put in one place, will you? Huwag kang masyadong malikot. Pinagsabihan na tayo ng doktora kanina. Handle your excitement all the time."

That's the problem with her. She can't handle her emotions very well. Ngunit sinubukan niyang umupo sa picnic blanket at humarap siya sa view ng Sierra Madre.

Grabe! Napakaganda talaga!

"Baby, can you see what Mommy is seeing? Ang ganda dito. Kapag lumabas ka na, papasyal ka namin dito ni Daddy Geoff!" sambit niya habang hinahaplos ang tiyan.

Inilapit sa kanya ni Geoff ang basket. "What do you want to eat?"

Tinignan niya ang nasa loob niyon. Oh, boy! May chicken pie, sweet corn, sandwich, fresh milk, cupcakes, and many more!

"I want them all!" Nilabas niya lahat ng nandoon at nilatag sa blanket. "How about you?" tanong niya sa boyfriend.

Oh, yes! Boyfriend! She can brag her rights to call him that.

Umupo si Geoff at sumandal sa katawan ng puno. Humalukipkip ito at tinignan siya. "Mukhang kulang pa sa'yo lahat iyan."

"Not really. I'm willing to share!" Kinuha niya ang dalawang sandwich. Tumabi siya rito at inabot ang isa.

Kinuha nito iyon. "Hindi tayo puwedeng magtagal dito, Zoey. Two hours max. I need to catch my flight."

"Okay! Kahit one hour lang with you will be alright. Babalik ka naman next week, eh," she understandingly said.

Kumagat siya ng sandwich.

"By the way, nasabi mo na ba sa mga kamag-anak mo ang tungkol sa atin?" tantiyang tanong nito.

Umiling siya. "Hindi ako makatiyempo, eh. Parang ang hirap sabihin through phone."

"They live in Manila, right? Ako na lang ang pupunta sa kanila at magpapali—"

"No!" pigil niya agad sa plano nito. Tumikhim siya at ngumiti. "I mean, don't do that all alone. Don't worry. Kakausapin ko na bukas ang mga pinsan ko. Babalitaan kita."

Baka kapag si Geoff lang mag-isa ang kumausap kina Ate Trisha ay kung ano pa masabi ng mga kamag-anak niya. Well, hindi naman manghahamak ang mga ito. But... they might tell him what she's not yet telling anyone in Isabela.

"Geoff..."

Kumagat ito ng sandwich saka bumaling sa kanya.

Nginitian niya ito. "Anong gusto mong baby? Girl or boy?

"A boy."

"Ako, gusto ko rin lalaki! Para kamukha mo. Little Geoff..." She giggled. "Anong gusto mong pangalan?"

Tumitig ito sa kanya. "Hindi ko pa naiisip."

"Ako naisip ko na! Kapag boy, gusto ko, 'Zion' ang pangalan." Sumandal siya sa katawan ng puno at diniretso ang mga binti.

"You're excited to be a mom, huh?"

"Hindi naman." She wiggled her feet. "I don't know. I'm happy about the baby. Kung ikaw ba naman ang daddy?"

Napailing ito at itinago ang mga ngiti. Pero nahuli naman niya. Kumagat lang ito ng sandwich ulit para hindi halata.

"Mabilis lang talagang mag-sink in sa'kin ang mga bagay. Here I am, pregnant. I must embrace it."

Indulgent Geoff (TTMT #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang