The End Part 4 (Chapter 44): Sorry

Ξεκινήστε από την αρχή
                                    

"Magkapatid pa rin kayo! Iisa ang kinalakhan niyong ina... si Aling Corazon."

"Wala akong kapatid na taksil, suwail at higit sa lahat... MUKHANG PERA! Hindi ko nga alam kung bakit nabuhay pa siya?! Hayop siya talaga napakawalang hiya niya!" galit na galit kong sabi.

**

ALEX's POV

"Oh My God, anong nangyayari? OH MY GOD! OH MY GOD! Ayoko pang ma-tegi!" paulit-ulit kong sinasabi. Nakakakaba kaya? Pag moment na andyan na talaga 'yung evil monsters e mapapa OMG ka! Akala ko sa pelikula lang yung mga ganitong eksensa, hindi ko knows pwede rin sa true to life.

"Tumigil ka nga ALEX! Ang OA mong payatot ka!" bulyaw ng dugyot na si Joaquin. Nakaupo sila ni Franz kaharap ang laptop kung saan makikita ang limang section na pinagtaniman ng CCTV. And since papunta ang mga 'BWISITORS' sa way ng pinaghirapan naming gawan ng patibong ni palaka, e dun sila nagfocus.

"I'm GONNA DIE, JUICEKOLORD!"

"Uy pakshit andyan na sila!" halos pasigaw ni Franz. Napatigil ako sa pag-oomaygad ko at lumapit sa kanila para tingnan ang larawan ng CCTV.

OH MY GOD nga! Confirmed! Andyan na ang mga bwisitors! Lumapit pa ako ng medyo malapit para tingnan kung sinu-sino ang mga pesteng makakabangga namin. Ayon sa nakikita ko, merong dalawang babaeng gurang akong nakikita. Mga 70 pataas ata ang edad, at may isang gurang ding lalaki, na tingin ko'y si Sunico Saavedra. May poging medyo mature ng konti ang hitsura na tingin ko'y si Renzo, at may isang maskuladong lalaki na nakaitim na tingin ko'y bodyguard nila.

"Parang may mali?" ani Franz. "Ba't parang sila lang?"

'Di ko masyadong na-gets ang sinabi ni Franz na mali nang marealize ko na may point siya. Siguro iniisip nila na maraming mga goons ang pupunta rito para isa-isahing kunin ang mga treasure, dahil silang lima is not enough para limasin ang mga kayamanan ng islang ito.

"Tumingin ka nga sa ibang CCTV," utos ko.

To my surprise, wala ng ibang bisita kundi ang limang iyon. Nakakapagtaka nga lang. Tatlong matanda, at isang alalay kasama ang traydor na medyo tisoy? Hmmm.... Parang kay Ten lang ay hindi uubra ang mga ito. Hindi sila prepared? Siguro hindi nila knows na merong mga taong nagbabantay ng kayamanan dito? Well, it's for our advantage at madali namin silang malilinlang. Pero wait lang, dadaan lang naman sila sa way namin... e napaka echos lang ng ginawang patibong namin ni Joaquin. OH MY GAWD!

Medyo may kalabuan ang CCTV dahil medyo madilim na pero aninag pa naman namin kung sinu-sino ang mga dumating na panauhin.

TOINKS! Huli sa CCTV.... may isang natisod ng patibong namin at biglang napadapa. Mukhang 'yung matandang Sunico ang sinawing palad pero agad naman itong nakatayo nang walang kahirap hirap. Hashtag #PunyetaLangWalangKwenta.

"Ano bang ginawa niyo? 'Yun na 'yun?" ani Franz. "Paano matatakot yang mga 'yan kung walang kakwenta-kwentang patibong ang ginawa niyo?" himutok niya.

"Ang hirap kaya gawin niya ah?" palusot ni Joaquin. "Pero effective naman o, natisod 'yung matanda. Tanga-tanga lang diba?!"

"Hmppfffff" pagsapok ni Franz kay Joaquin.

"Aray ko! Ba't ka nananapok?!!"

"E gago ka pala e! Para ka lang namatid ng tangang katulad mo!"

Whatever! Okay, for the first time in forever, papanig ako sa palakang ito. That patibong chuvaness doesn't make any sense. Kahit gaano pa kalalim ng patibong na gawin namin, at mabitag sila, hindi namin mababago ang state of mind nilang nandidito ang kayamanan. Ten is a brilliant girl but I'm brillianter este more brilliant than her! Huh?

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα