Chapter Seven

Magsimula sa umpisa
                                    

Hooo! Sa tingin niya nga, mahal niya na si Daddy Geoff. Agad-agad! 

Parang isang malaking kasalanan kapag hindi mo pa minahal ang isang Geoffrey Lucas Martin pagkatapos kang i-french kiss.

Natapos kumain sina Zoey at Jona. Agad nang umalis ang huli para makapasok.

Nag-aaral si Jona sa Isabela State University na nasa Echague pa kaya naman talagang malayo ang dinadayo nito para lang makapasok three times a week.

"Inumin mo mga vitamins mo, Zoey, ha?" bilin pa sa kanya nito bago tuluyang makaalis.

Matiyaga niyang ininom ang tatlong vitamins. Vitamin C para sa resistensiya niya, vitamins para sa magiging matibay na buto at vitamins para sa magiging magandang ngipin ng baby niya.

It was awesome to know that she has to drink a lot of vitamins for her baby. But that's alright! Susunod niyang iinumin mamayang hapon ay vitamins naman para sa puso ng baby niya.

Naligo na si Zoey pagkatapos makainom ng mga vitamins. After more than an hour, handa na siya sa pagpasok sa Zoey's.

As usual, masaya at masigla ang salubong niya sa mga tao roon. At ganoon rin ang natatanggap niya. Siya na yata ang most lovable boss in the whole wide Isabela! Wahaha!

"Zoey!" tili ni Joyce nang bigla itong pumasok ng opisina niya. Lunchbreak na ng mga oras na iyon.

"Joyce!" tili niya rin kahit hindi niya alam bakit ito tumitili. "Why?" tanong niya saka napatayo mula sa swivel chair niya.

Parang hindi mapakali ito at parang... kinikilig?

"May guwapo! May guwapo sa labas! Hindi ko kinakaya, Zoey! May nag-e-exist palang ganoon!" Napahawak ito sa noo. "At hinahanap ka!"

Nanlaki ang mga mata ni Zoey at bumilis ang tibok ng puso niya. Guwapo? Sobra?

Ah! Si Geoff! 

Si Geoff, nasa restaurant niya!

Napatili si Zoey sa kilig at saka mabilis na lumabas ng opisina niya.

Napahinto siya nang nasa labas na ng opisina at nakita si Geoff na nakatayo sa gitna ng restaurant. His hands were in his pocket. He's wearing his white black slacks, forest green undershirt, and white coat.

Napaka-shiny rin ng black leather shoes nito at nakaporma ng maayos ang buhok. Napansin ni Zoey na bahagyang mahaba at kulot pala iyon.

Lalaking-lalaki ang pagkakatindig nito habang nililibot ang mga mata sa buong lugar. Pinagtitinginan rin ito ng ibang customers at may mga babae pang naghahagikgikan.

Gustong makihagikgik ni Zoey. Kasi naman, kung delicious ang breakfast na hinanda ni Jona kanina, mas delicious ang French daddy na nakatayo ngayon sa harap niya.

"Geoff!" tawag-pansin niya rito. Kumaway siya nang dumako ang tingin nito sa kanya.

"Hello, Daddy!" she sweetly said and went to him.

Tumaas ang isang kilay nito dahil sa tawag niya. But then, his kissable lips curved into a playful smile.

Kinilig siya kaya nayakap niya ito sa harap ng maraming tao. "Napadalaw ka? You missed me already, huh?" tukso niya saka sinundut-sundot ang matigas nitong... oh, abssss!

Many, many. Yummy, yummy!

Tumikhim ito at lumayo ng bahagya. "Gusto ni Lola na bisitahin kita... para kumustahin ka."

Indulgent Geoff (TTMT #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon