SA KANYA.... (oneshot/poem)

357 8 2
                                        

SA KANYA.....

Mahal kita- ang sabi ng aking asawa

Napaluha agad ako sa sa pagiging tapat niya.

Ano ?huwag kang mag- alala mag sasama na tayong dalawa, wala ka ng iisipin pa.

Ngiting sabi niya, ngiting kay tagal ko ring hindi nakita.

Matagal tagal na rin tayong dalawa, siguro oras na para malaman nilang lahat diba?

Napakasarap ng sinabi niya

Napayakap ako sa sarili ko,bakit ganito ? Parang di ko na ata kaya.?

Ano na? Sumagot ka, Sasama ka sa akin diba?

Kitang kita ko ang determinasyon sa kanyang mga mata.

Tandaan mo ipag lalaban kita.

Punong puno ng pag mamahal ang mga katagang galing sa kanya

Para sayo iiwanan ko siya.

Nagulat ako sa huling sinabi niya , hindi ko na napigilan

tuloy tuloy na ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata.

Parang di ko na kaya, narinig ko mismo ang mga iyon galing sa aking asawa.

Ang sakit lang..

Dahil lahat ng sinabi niya

ay para SA KANYA

at ako ang iiwan niya.....

SA KANYA.... (oneshot/poem)Where stories live. Discover now