Pamilya.

1K 3 0
                                        

Ayon sa aklat ni San Pablo sa 1 Corinto 13:4-7
" 1.Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, 5.hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. 6. Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. 7. Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas." 1 Corinto 13:13 "13. Kaya't ang tatlong ito'y nananatili: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig."

Pagibig ang solution sa matatag na Pamilya na Naghahari ang Panginoong Diyos

Mahalaga ang pamilya dahil ito ang sentro ng ating lipunan. Ang isang barangay ay binubuo ng bawat pamilya. Kung walang mga pamilya walang barangay, walang bayan, walang lungsod, walang probinsiya, walang rehiyon at walang isang bansa. Nabuuo ang isang bansa mula sa pinagbuklod-buklod na pamilya. Yan ang ilan sa nga kahalagahan ng isang pamilya.

Ang tanong ay Papaano ang Pagbubuo ng isang Matatag na Pamilya? Bago natin talakayin ang pagbuo ng isang matatag na pamilya ay sagutin muna natin ang katanungan na: "Ano ang kahulugan ng pamilya para sa yo?

Si "Tatay, nanay, si ate, si kuya at si bunso, equals isang pamilya"

May mga taong naniniwalang ang isang pamilya ay tulad sa isang kahong puno ng mga bagay na ipinasok na gusto mo, nakapaloob dito ang pagmamahal, katuwaan, kaligayahan, takot sa Diyos at iba pang magagandang bagay. Ito ay isang kahong mabubuksan kailan mo.

Ngunit lalong mainam na ihalintulad natin pamilya sa walang lamang kahon. Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa natin dito. Kung ano ang gusto mong laman, ay siya mong ilagay. Ang ibig sabihin nasa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng iyong pamilya.

Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuhang anuman mula rito. Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa isa't isa. Kailangan punuin natin ang kahon, at huwag nating ilabas ang laman nito.

Matatagpuan sa buong mundo ang maraming matatag na pamilya. Maaaring mayaman o mahirap sila. Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila, halimbawa: isang ina, ama, at mga anak; o isang ina na may isa o higit pang anak; o mga lolo't lolang kasama ng kanilang mga anak at apo, o mag-asawang walang anak. Saan ka man sa mga nabanggit ay bahagi ka ng ating talakayan, kaibigan.

Sabi nga nila ang matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa. Tama po ba? Tumutulong silang humubog ng mga taong magiging duyan ng magandang lipunan.

Ang payo nga ng isang guidance counselor: "Kung kailangan nating lumaking malulusog at maliligaya ang mga anak natin, mahalagang magkaroon tayo ng matatatag na pamilya"

Ano ang kailangan sa pagbubuo ng matatag na pamilya?

Kaibigan para maging matatag ang inyong pamilya, kailangang magkaroon ng sumusunod na katangian ang isang pamilya: may pananagutan sila sa isa't isa; nagpapakita ng pagpapahalaga; may mabuting komunikasyon; may panahong nagkakasama-sama sila; sumusunod sa kanilang mga paniniwalang ispiritwal at umaayon sa kanilang mga pagpapahalaga at nakakaagapay sa stress.

Pananagutan

Makatutulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isa't isa, sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang grupo, at sa pag-aalaga sa isa't isa. Maraming paraan para maipakita ang pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya. Halimbawa ay:
Maging tapat sa inyong pamilya.Maging tapat sa kapareha. Bawasan ang mga aktibidad sa labas at gumugol ng mas maraming oras sa piling ng iyong pamilya;
Tuparin ang mga pangako sa mga miyembro ng pamilya. Maging maunawain at mapagpatawad, walang mawawala sa atin kung tayo ay marunong humingi ng tawad. Marunong tayong tumanggap ng pagkakamali.
Maging maaasahan. Kapag may problema, dumulog sa isang kamag-anak, kaibigan, para magtulungan kayong harapin ito.

Pagpapahalaga

Ipakita pagpapahalaga sa pamilya sa pamamagitan ng mga salita at gawa, sa ganito ay naipakikita natin sa ating pamilya na pinahahalagahan at itinatangi natin sila.
Sabihin sa isang miyembro ng pamilya na siya ay mahal mo.
Kilalalanin ang katangian ng membro ng pamilya. Purihin ng positibo sa bawat miyembro ng pamilya araw-araw.
Dalasan ang pagyakap sa mga miyembro ng pamilya.
Magtulungan sa mga gawain (pagliligpit, paglalaba, Pag-agapay)

Alalahanin walang pamilya ang hindi nagkakaroon ng problema. Ngunit gamitin ang problemang ito para maging lalong matatag ang samahan ng pamilya at maging daan para mapalapit sa isa't isa. Kaibigan, makinig ka, kung medyo babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang oportunidad para maging matatag.

Pwede mo itong subukin para ma solved ang problema ng iyong pamilya:
Mag-isip ng anumang mabuti, gaano man kasama ang sitwasyon.
Kunsultahin ang iyong pamilya, magsagawa ng Maswara o meeting. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ay malalagpasan ng pamilya ang kahit pinakamahirap na problema.
Harapin ang mga problema nang dahan-dahan. Gumawa ng listahan ng mga bagay na dapat gawin at isa-isang asikasuhin ito.

Mag-ehersisyo para mawala ang tensiyon at matulungan kayong magrelaks. Gawin ito nang magkakasama bilang isang pamilya.At wag tayo mawalan ng tiwala at pag-ibig sa Ating Diyos Ama, Lagi nating tatandaan na ang pamilyang may Diyos sa buhay ay walang hindi kayang lagpasan.

FAMILYMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon