Malapit na magpasko pero andito pa rin ako sa school para mag-aral. Ang hirap talaga kapag college na ano? Yung iba ayun, nauna nang magbakasyon. Ang unfair sa amin na naiwan dito sa school.
"So class, pagbalik niyo after christmas break dapat maipasa niyo na yung final requirement ko for this term. Alam niyo na kung anong mangyayari kapag hindi niyo na-i-comply yan. Class dismiss."
Yun lang at lumabas na ako ng classroom at ready na sanang umuwi nang ....
"Castiel!" napapikit ako ng marinig ko yung boses ng mga kaibigan ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko sila hinarap.
"Tara! Mall tayo." yaya sakin ni Erika.
"Oo nga. Minsan na nga lang namin kayo makita ni Michelle eh." yun naman si King.
Nagpalipat-lipat yung tingin ko sa kanila tapos kay Michelle.
"Sige na Castiel. Sama na tayo tutal christmas break na pagkatapos eh."
Napabuntong-hininga na lang ako. Sign na pumapayag na ako sa gusto nila.
Paglabas namin ng campus, nakasakay kaagad kami. Since malayo-layo pa naman yung byahe. Ike-kwento ko na muna kung paano kami nabuo.
Actually, galing kami sa iba't-ibang school. Hindi kami alumni nang high school department sa pinapasukan naming College. Nagkakilala lang kami sa isang subject. First day of school hindi kami nagpapansinan kasi alam niyo na, pa-mysterious effect tsaka hindi ako friendly. I mean, hindi ako nakikipag-usap kung hindi ako yung unang kakausapin. Tsaka mula sa school ko, ako lang isa ang nag-aaral dito sa Athena's College (derived from Athena, Greek goddess of wisdom). Mahal din kasi ang tuition dito kahit na college lang siya. Tsaka may scholarship kasi ako dito kaya ginrab ko na. Hindi kasi ako nakapasa sa entrance exam ng University na pinag-applyan ko.
So ayun nga, nung nalaman namin na magkaklase kami sa halos lahat ng subject, naging close na kami. As in close. teamwork kami sa assignment, quizzes and exams. Yun yung start nung friendship namin.
Yun nga lang, this semester si Michelle lang yung kaklase ko kasi kami lang yung magkasabay na nagpa-enroll pero yung friendship namin ganun pa din naman. Teamwork.
Nakarating na din kami sa Mall. Sa labas pa lang ramdam na ramdam mo na yung christmas dahil sa mga christmas decors na nakakabit sa labas ng Mall. Pagpasok mo din maririnig mo na kaagad ang mga christmas songs na siyang mas nakapagbibigay sa christmas feeling.
Paskong-pasko na pero hindi ko pa rin maramdaman yung essence niya. Hayyys !
"Guys, tingnan niyo 'to oh." tiningnan din naman namin yung tinutukoy ni King.
Actually, wala namang special sa jar na yun. Aside sa nilagyan siya ng mga designs na stars at ribbon, simple na siya kung titingnan.
"Ang panget naman niyan eh. Ang simple nung design." sabi ni Eka. Medyo kikay kasi etong si Eka kaya hindi niya masyadong bet yung mga may simpleng designs.
"Okay lang naman siya. Kaso yun nga ang simple lang niya. Pwede naman tayong gumawa ng ganyan." sabi naman ni Michelle.
"Castiel, anong ginagawa mo?" tanong sa akin ni King.
"Kumukuha ng picture?" pa-inosente kong sagot sa kanya.
Nainis naman yung mukha niya. Kaya nginitian ko siya ng mapang-asar.
"Bakit? kumukuha naman talaga ako ng picture ah."
"Ewan ko sayo. Punta na nga lang tayo dun." At hinila na niya yung dalawa. Yung baklang yun talaga. Ang daling maasar.
"Huy! Hintay!" takbo ko papunta sa kanila. "Pakipot ka pa eh." pang-aasar ko pa. Tumawa naman yung dalawa.
Inenjoy lang namin yung bonding namin sa Mall. Naglaro kami, kantahan tapos bumili ng mga pagkain at after nun napagdesisyonan na namin na umuwi na.
Pagdating ko sa bahay ... Agad akong naghanap ng pwede kong gamitin sa gagawin ko.
Nagbihis na ako at sinimulan ko ng gawin yung dapat kong gawin. Iniba ko lang yung design pero katulad na katulad nung nakita namin kanina. Tama! Yung jar na nakita namin kanina na pinicturan ko. Wala eh, bigla akong nagka-urge na gumawa ng ganun.
"Hmmmmm. Ano kaya pwede kong ilagay sa loob nito?"
Inilibot ko yung paningin ko ng mahagip ko ang mga colored papers ko.
Sounds nice ...
Gumawa ako ng mga maliliit na squares mula sa colored papers. Yung pwede nang sulatan. Mga ganun. Kinuha ko yung ballpen ko at nagsimula ng magsulat.
Decemeber 20, 2015
Today, you are going to be my wishing jar and my secret thoughts protector ^_^
Hmmmm .. Lagyan ko pa kaya? Aha! First wish ko ..
I hope that all of my dreams and wishes will come true .
"Castiel! Kakain na."
"Pababa na po ma." sagot ko at pinasok ko na yung ni-roll kong papel. Inayos ko yung mga ginamit ko at itinago ko na sa cabinet ko ang Wishing jar.
Lahat andito ... Sana matupad lahat yun ..
YOU ARE READING
One of the Millions
RandomChasing your dreams is easy to do but achieving it is quite impossible ...
