Siya si Crush. Siya yung taong gusto ko laging makita. Siya yung taong gusto kong makakwentuhan sa tabi. Siya yung taong gusto kong masabihan ng I love you. Siya yung taong gusto kong makasama sa sinasabi nilang forever. Pero Sa dami siguro ng hiling ko mukhang hanggang pangarap nalang talaga. Ang sad life lang. Buti pa ang christmas may merry ang new year may happy eh ako? Wala.. wala.. wala..
Magdadalawang taon ko na siyang crush. At hanggang ngayon di parin ako makamove on.
Ang perfect niya. Maganda, matalino, mabait, magaling sumayaw, super friendly, sikat, sexy, in short ang lakas ng dating.
Yan siguro yung mga dahilan ng karamihan kapag tinanong mo kung bakit crush mo ang crush mo.
Pero sino naman din ako para magustuhan nya. Isang hamak na simpleng tao lang ako. Kaya matagal ko ng tinanggap na hanggang crush lang talaga.
Naalala ko pa nun inutusan ko pa nga yung isang student ko na dalhan ka ng chocolates. Kaso nagtaka ka kung bakit kaya para di mabisto tinigilan kona.
Naalala ko din nung una kong nakitang umiyak ka parang ang hirap lang sa loob na wala akong magawa kasi meron kanang kausap/karamay at di mo ako kailangan.
Nung birthday mo. Gustong gusto kitang batiin nun pero naduwag ako kasi madami na palang naggreet sayo useless lang.
Nung first time kitang makasama yung tayong dalawa lang. Ang awkward lang sobra. Nih hindi ako makatingin sayo. Pero ang tuwa ko nun di ko maexplain.
Yung first time kang nagreply sa text ko. Haaaay parang ang dami kong gusto ikwento sayo kaso once in a blue moon kalang mareply kasi busy.
Nung first time mo kong yakapin. Feels like heaven gosh. Yung nag aalala ako sa amoy ko. Shit kayakap ko yung crush ko pwede iistop ang oras maiwan nalang kameng ganun.
Kapag nakakasalubong tayo sa hallway ang sungit ko kasi hindi kita pinapansin. Shit pwedeng nakakabasa ka nalang ng isip para di ko na kailangan iexplain. Nahihiya kasi ako at nagiging duwag kapag ikaw kaharap.
Ang saya ko pag nakikita kitang nandoon sa stage parang ang proud proud ko sayo. Sana nga masabi kong " hey, syota ko yan". Pero hindi eh. Lalo na kapag sumasayaw ka. Grabe ang kaba ko madami kasing nakakakita eh selfish ako.
Ang sakit lang kapag si crush may kausap na iba. Pwedeng ibaon yung kausap mo? Hmmm. Di pa nga tayo pero ang selfish ko na. Weeew.
Isa ka sa mga crush ko na hinding hindi ko makakalimutan. Ching? Haha. Mananatiling ultimate crush ko.
May pag asa man o wala. kahit na nakakandarapa na sila sayo. Andito lang ako at patuloy na maghihintay. Check? Hehehe.
Love you Ms. Nerdy :))
AN: Sorry sa story na to. Hehehe. Thank you reading :))
YOU ARE READING
The Apple Of My Eyes
RandomPag boring kana. Try to read this, just try? Hehehe. Pag ayaw mo okay lang. Lol like nadin tapos comment nalang kompleto na. Thank you :))
