Sam's POV
on the way ako kela george para sa dinner, matagal na ako di nakikita ni mamita invited din si kathy, topet at jomar. so parang reunion lang.
di invited si james alam naman siguro nila. its been a week since magusap kami at magkita. binigyan niya ako ng two weeks to think about the idea, his suggestion, his solution. di ako papayag sa solution na naisip nya, pride na lang ang meron ako ng itayo ko ito. gusto ko patuyan na kahit maliit ang kompanya ko kaya ko makipagsabayan sa iba, na makikilala kami hindi dahil sa pangalan ni george o dahil sa career niya. ayoko isipin ng mga tao na ginamit ko siya para makilala ako.
"mamita" sigaw ko nakita ko na lang sya patakbo lumabas.
"samuel! apo. kamusta? buti naman at nakita na ulit kita. nandyan na ang nga kaibigan niyo. si georgina na lang ang wala."
"wala po si george?" takang tanong ko habang papasok kami.
"ay wala pa iho. pumunta ng mall may biniling mga cds and books." sabi ni mamita
"ah ok po. wala po kasi siyang sinabi na aalis siya o may bibilhin."
"mukhang biglaan lang naman yung pagalis niya." napaisip ako sa sinabi ni mamita. tatanungin ko na lang siya mamaya.
"bro!" salubong ni jomar. si topet hawak ang gitara niya tumutugtog si kathy kumakanta.
"just give me a reason
just a little bit enough
just a second
when I'm broke, just bent...
samuel, diyan ka na pala. tara. pabalik na daw si george."
I just thought of talking to her when she got home. hindi naman siya umaalis ng hindi ako tinatawagan o tinetext.
George's POV
busy ako kanina sa harap ng computer ng biglang may nagtext sa akin
1 message recieved.
james: busy, can we talk?
george: not really. dito lang ako sa bahay. may dinner tayo later. punta ka na lang?
james: sa labas na lang tayo magkita. I won't go later.
george: hindi pa din ba kayo ayos?
james: maybe we can talk about it later. starbucks greenbelt 4pm
george: ok sige. see you later
ngayon papasok na ako sa starbucks and I saw him nasa bandang dulong table si james. he waved at me.
"hi" bumeso siya sa akin
"hi. kanina ka pa?" tanong ko sa kanya pagkaupo ko
"not really. halos kadarating ko lang din."
"you want anything?"
"hindi ok lang. may dinner mamaya, baka mahirapan ako kumain kasi nabusog ako"
"meryenda lang naman"
"ok lang. so ano ba gusto mo pagusapan? go straight to the point, james."
"ok. its about the company. we both know bago lang kami sa industry. and we do have little connections when it comes to this business. george yung ininvest ko na pera, yun na lang ang meron ako. more than a year and a half na kami tumatakbo pero still newbie pa din kami. lahat ng pera palabas. ayoko basta basta kami bumagsak, I suggest to sam na baka pwede mo kami tulungan. with your help pwede kami umangat at makilala."
"james walang problema sa akin yun. ok nga yun babalik ako sa trabahong mahal ko. and it would be an honor for me working with you and my mahal."
"ang problema, ayaw ni sam. pinapairal niya ang pride niya. george try mo naman i-open pero wag mo naman sabihin na ako nagsuggest"
"magsisinungaling ako kay sam? james alam mo naman ayaw niya ng ganun."
"hindi ka naman magsisinungaling. sasabihin mo lang na gusto mo lang ulit kumanta"
"sabagay. sige I'll try. pero ayoko mangako. kasi kapag sinabi niya, sinabi niya. alam mo naman matigas din ulo nun."
"salamat george. basta wag mo na lang muna sabihin na nagkausap tayo. tulong mo na lang sa akin yun."
"sige james para kay sam, sa kompanya at sayo."
"salamat george."
pauwi na ako ng bahay. I check my phone 8 miscalls and 7 text message. I read the last message na galing kay sam. 7pm kasi ang dinner mag-8pm na.
sam: where are you? mag-8pm na. ano ito midnight snack? hindi ka nagrereply, hindi mo sinasagot tawag ko. ano ba problema? sa bookstore ka ba talaga nagpunta? hindi mo man lang inisip na may nagaalala sayo.
patay ako. paano ko uumpisahan yung request ni james kung galit si sam. bahala na malapit na naman ako.
Topet's POV
nanggagalaiti na sa galit si sam hindi kasi sinasagot ni george ang tawag o text niya. nasan na kaya yung babaeng yun, nagaalala na ako. pero di ko pwede ipahalata. narinig ko na lang ma may mabilis na umaakyat sa hagdan nila.
"I'm here. I'm here." nakapasok na siya sa bahay hingal na hingal. "I'm sorry. the traffic is so terrible. let's eat" todo smile pa siya.
sinalubong siya ni mamita, nagmano siya dito. bumeso naman siya kay kathy, jomar at sa akin. pero ang mata niya hinahanap ang taong sigurado ako kanina pa niya gusto makita. lumabas si sam galing kusina. niyakap niya ito at humalik sa pisngi.
"sorry, I'm late." sabi ni george
"san ka ba galing kanina pa kami dito. usapan 7pm anong oras na? di mo man lang inisip na nagaalala kami" galit na tanong ni sam.
"mga apo tama na yan. kumain na tayo. late na. samuel tama na yang away." aya ni mamita. pero sumenyas si george na mauna na kami sa dining.
dinig namin ang sagutan ng dalawa at pangaamo ni george mula dining pero hindi namin intindi ang usapan. sanay na.kami sa asot pusa nilang relasyon pero kung ako ang boyfriend, hindi ko aawayin si george kahit ano pa, mahal ko e. medyo matagal sila nagusap kaya kumain na kami. narinig na lang namin na padabog umakyat si george sa kwarto niya at si sam umalis na sakay ng kotse niya. away na naman sila. iiyak na naman si georgina.
