Dear K,
Hi. Ewan ko kung mababasa mo 'to dito ko nalang ibubuhos ang lahat ng nararamdaman ko.
Naalala ko pa noon, kapag bumibili ka sa tindahan namin, lagi kitang minamalditahan. Ewan, pero ikaw lang ang nakaka-alala 'nun. Ewan ko sayo.
Lumipas ang segundo, minuto, oras, buwan, at taon.
Ewan ko kung paano tayo naging close at kumportable sa isa't-isa.
Nalaman ko nalang one day, close na pala tayo.
Ewan ko rin kung saan mo nakuha cellphone number ko. Di ko naman 'yata binigay sayo.
Nakakatuwa dahil halos kada gm ko rumereply ka. Laging nagha-hi/hello, pero wala eh. Dedma pa ako that time kasi may iba pa akong crush 'nun.
Hanggang 'yun nga, text tayo ng text. May tawagan pa nga tayo 'nun eh. Kuya at Bunso. Ang sweet-sweet mo sa akin.
Gabi-gabi tayong nagkukwentuhan. Lalo na pag wala ang mga magulang ko.
Halos lahat yata nang tungkol sayo, alam ko na.
Sa akin ka nagsusumbong kapag may something na di mo gusto o kung ano mang nangyari sa'yo.
Ikaw 'yung nandyan sa tabi ko 'nung namatay 'yung lola ko.
At to be honest, ikaw ang naging first holding hands ko. Oo, ikaw talaga.
'Tas may common friend tayong nadulas at nasabing may gusto ka raw sa akin. Sakto namang dumaan ka. Ayun, napuno ng tuksuhan ang horror movie marathon namin.
Tapos isang araw, nabalitaan kong aalis kayo. Syempre nalungkot ako. Kasi nga ikaw lang pinaka-close ko diba? Ikaw lang ang Kuya ko.
Nag-promise ka sa akin nababalikan mo ako.
Pag-alis mo? 'Dun ko lang narealize na may gusto na pala ako sayo, noon pa.
Ang tanga ko. Di ko agad na realize na gusto na kita.
Ginawa mo 'yung promise mo. Bumalik ka. Pero ewan.
Di na kita ramdam. Parang..
Nag-iba ka?
Ewan. Pero ewan ko rin sa sarili ko. Kahit na ganyan ka, napapangiti parin ako pag nakikita kita.
At 'yun nga, nagpatuloy ang ganoong treatment mo sa akin.
Di ka nga nagtetext sa akin eh.
Until this december 2015.
Bumalik ka ulit. Kayo ng pamilya mo.
And sabi mo nga, you're staying here for good.
Bumalik ka sa pagiging makulit mo.
Pagiging masayahin at 'yung nakilala ko dati.
At sht lang! Nahuhulog na naman ako sayo.
Kaso alam kong di mo na ako pwede saluhin pa.
Kasi may sinalo ka na palang iba.
- B.
ESTÁS LEYENDO
Dear K,
De TodoDear K, 'Wag ka ng ngumiti. Mahuhulog lang ako't masasaktan. Tama na. - B.
