"Lets go shopping." sabi naman niya tsaka lumabas ng kotse. Kami naman naiwang tulala sa loob. "Yah! Baba na dali!" sigaw ni Jessica na nasa tapar na ng driver seat.

"Seriously?! Shopping na naman?" tanong ni Kris. Sinamaan naman siya ng tingin ni Jessica. "Sabi ko nga eh shopping tayo. Wag na kasi kayo magreklamo." sabi pa ni Kris. Hala takot siya kay Jessica haha. Na unang naglakad si Jessica papasok ng mall hila hila si Kris. Sumunod naman si Sooyoung at Sunny sakanila.

"Dude. Ano? Pwede kapang umatras hindi pa naman tayo nakakapasok." sabi naman ni Hyoyeon. Huminga naman ako ng malalim.

"Di tara na. Tuloy na natin to. Nandito na tayo eh." sabi ko naman tsaka nag umpisang maglakad kasabay si Hyoyeon.

Pagkapasok namin ng mall ay si Sooyoung at Sunny nalang naabutan namin. Im sure kinaladkad na naman ni Jessica si Kris sa kung saan haaay kawawang Kris.

"So ano na?" tanong ni Sunny. Nagtinginan naman kaming apat.

"Kain muna tayo." sabi naman ni Sooyoung. Di naman kami kumontra kasi gutom na din kami eh.

"Teka. Cr muna ako." pagpapaalam ko sa tatlo. Tumango naman sila.

"Dude sunod ka nalang sa third floor." medyo pasigaw na sabi ni Hyoyeon tumango naman ako.

Habang nakapila ako dito sa cr ay napatingin ako sa bandang pinto at nakita ko si... si Tiffany. Agad akong yumuko at pilit na tinatago yung muka ko. Pasimple ko siyang tinignan naghugas lang siya ng kamay niya tapos nag salamin at nag ayos ng buhok tsaka umalis. Sinilip ko namab siya hanggang sa makalabas na siya.

"Ahhh... Miss gagamit ka ba?" tanong nung babae sa likod ko. Napatingin naman ako sa cubicle lumabas na pala yung tao sa loob. Pumasok ako sa cubicle at ginawa ang sapat gawin pero bago ako lumabas ay tinext ko muna yung mga kasama ko.

To: Sica, Kris, Hyoyeon, Sooyoung and Sunny

Nakita ko si Tiffany dito sa cr. Grabe akala ko makikita niya ako.

*Sent*

Pagkatapos ko masend ay lumabas na din ako ng cubicle tsaka naghugas at nag ayos ng buhok. "This is a bad idea Taeyeon." sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Maya maya pa ay tumunog yung cellphone ko.

Fr: Hyoyeon

Dude nakita din namin siya. Ewan ko lang kung nakita niya kami pero nakita namin pumunta sila ni Nickhun sa loob ng cinema.

Manunuod silang movie? Ahhh.. Movie date. Ano namang movie papanuorin nila? Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay lumabas na din ako ng cr tsaka pinuntahan sina Hyoyeon sa 3rd floor.

Pagdating ko ng 3rd floor ay kasama narin nila si Jessica at Kris na may bitbit ng mga paper bags.

"Dude. Pumasok sila sa loob. Ano plano?" bungad ni Hyoyeon sakin. Napatingin naman ako kay Jessica.

"We're gonna watch a movie." sabi ni Jessica tsaka nilabas yung anim na movie tickets nice! Ngumiti naman ako sakanya.

"Teka anong movie pinanuod nila?" tanong ko naman.

"Tiffany probably choose this one. This is a Romantic-Horror movie" sabi ni Jessica tsaka tinuro yung isa sa mga movie na may title na "Spellbound". Romantic-Horror? "Lets go guys." sabi pa ni Jessica tsaka naglakad papasok ng cinema hila hila na naman si Kris.

Pagpasok namin sa loob ay saktong mag uumpisa palang yung movie. "Nasan sila?" tanong ni Sunny. Hinanap naman namin kung saan banda nakapwesto sina Tiffany.

My Bestfriend, My DestinyWhere stories live. Discover now