Prologue

3 0 0
                                        

Why does everytime I try to be happy, I always end up hurt?

It's been 2 days since that issue came out at hindi pa humuhupa. It's still the talk in social medias. Ngayong araw din ang uwi ni Tj from his Cebu concert kaya sigurado ako, nalaman na niya.

I just went out from my dad's study room and he told me to leave for California. Alam ko namang hindi lang ako basta pinapapunta dun. Alam kong he's kicking me out of this house dahil sa pinaratang sakin na di ko naman ginawa. I tried to explain my side but he never believed. Wala siyang tiwala sakin. Sabi ni Zech wag na muna akong magsasalita sa meadi at wag na munang lumabas ng bahay dahil baka dumugin ako ng media. Si Zech ang tanging naging sandalan ko dahil ayokong gambalahin si Tj baka madestruct lang siya sa concert. Yung mga kaibigan ko? Ewan pero ayokong magpakita sakanila hangga't di malinis ang pangalan ko. Nahihiya ako sakanila. Lalong lalo na kena Lance, Gelo at Sky.

Ayokong umalis. Ayokong umalis ng hindi ko naeexplain yung side ko. Ayokong umalis hangga't di ko nalilinis pangalan ko. Tsaka ayoko ding sabihin kay Zech na dad is sending me to New York. Alam kong nandito na si Tj dahil kaninang umaga pa yung flight nila. Siya nalang yung alam kong masasandalan ngayon.

Lumabas ako ng bahay at pinaharurot yung kotse ko. Naka all black ako. Black shirt, black mask, black jeans, black converse at black cap. Binilisan ko lang ang paglakad papasok sa condominium. Nang makapasok ako sa elevator, narelieve ako ng konti dahil walang nakapansin sakin. Pagkarating ko sa 6th floor, pumasok agad ako sa unit ni Tj.

Pagkapasok ko, inalis ko agad ang cap at mask ko. Iniscan ko ang paligid at automatic na huminto yung tingin ko sa naghahalikang Velvet at Tj sa may bar ng kitchen. Nakalikod sakin si Tj at nakaharap sakin si Velvet.

Nang mapansin ako ni Velvet, nakatingin siya sakin kaya lumingon si Tj sakin. Napaatras naman si Velvet dahil sa pagkakatulak sakanya ni Tj.

"Adi..."

Agad agad kong binuksan yung pinto at tumakbo as fast as I can para pumunta sa elevator at makaalis na dito. Nakita ko yung paghabol niya sakin pero di niya ako naabutan dahil sumarado na ang elevator.

Umuwi akong matamlay. Umuwi akong wasak na wasak pero wala ni isang luha na pumatak. Siguro ngayon, may dahilan na ako para tumuloy sa New York. Wala namang naniniwala sakin ano pang saysay?

Dumiretso ako sa room ko at binagsak ang katawan ko sa kama. Wala paring kumakawalang luha. Hanggang sa bumukas yung pinto at nakita kong pumasaok si Zech. Galing siguro siyang work.

"Ads, sabi sakin ni Nay Carmen umabas ka. Sa ka nanggaling?" tanong ni kuya tsaka umupo sa kama ko at sumandal sa headboard.

Ginawa kong unan yung lap ni kuya habang may yakap akong unan. Dun na sunod-sunod na pumatak yung mga luha ko.

"He already left me." ani ko at pinatatatag ang boses ko.

Hinaplos haplos lang ni kuya ang ulo ko hanggang sa nakatulog na ako.

Alam kong pagod siya dahil pinagsasabay niya ang pag-aaral at pag-aartista. Pero nanjan siya. Dinadamayan ako at hindi ako iniiwan.

| K I N A B U K A S A N |

"Adi, mag-ingat ka dun baby." sabi ni Zech at bineso ako.

"Oo kuya. Salamat." sagot ko.

"Oh Adi, wag mong kakalimutan ichat o itext kami a." ani ni kuya Gian.

"Oo kuya. Promise." matamlay kong sabi.

Nandito ako sa airport. Hinatid ako nina kuya Gian at kuya Zech. Ngayon na ang alis ko papuntang New York. Agad agad eh. Naasikaso na kasi ni dad yung pagbili ng ticket.

Umalis sila at nag check-in na ako.

Nakasakay na ako ng eroplano ng walang media na gumulo sakin. Salamat naman. Naka first class din ako kaya walang problema sa mga bashers o fan na makakakita sakin.

I guess this is goodbye.
Goodbye Philippines.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Jan 31, 2016 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Lost Love, FoundCerita yang bikin terobses. Temukan sekarang