Day 1

1 0 0
                                        

Day 1

Unang simula kung saan ko napiling ilabas lahat ng nararamdaman ko.

Ever since that day that I've realized what is happening to me. Things starts to change.

The way i see the world changed.

The way i value life has change.

Hindi ko alam kung saan itong mga salitang ko tutungo pero ito na lang ang mga naiisip kong paraan para kahit papano mabawasan ang mga sakit na nararamdam ko.

Sakit na matagal na palang naninirahan sa kaloob looban ko.

Sakit na unti unting pumapatay sa puso utak at damdamin ko.

Hanggang sa tuluyan na kong nakain nito.

Hinahanap ko ang daan palabas

Kaso nga lang hindi ko alam kung saan, kung paano, at kung kelan.

Sinubukan kong humingi ng tulong.  Umaasang sana iaahon nila ako sa kinasasadlakan kong kadiliman at lumaya na ng tuluyan.

Pero gaya ng mga sabi nila. Masakit umasa kaya wag ka nang umasa.  Wag nang umasa na may makikinig kasi wala naman.  Umasa na iaahon ka. Yun pala. Itutulak ka pa.

Alam ko bitter pakinggan. Pero ewan. Iyon ang tinuro ng bagong mundo na natuklasan ko.

Tinuro nito na ang tao ay likas na gahaman. Hanggang hindi nila nakukuha ang gusto nila sayo hindi ka nila titigilan hanggang hindi kana humihinga. Hanggang hindi mo na kaya. Hanggang sa sumuko ka na at sabihing hindi mo na kaya.

Ganid. Mapang api. Mapanlinlang.  Ganyan ang mga tao na naka palibot sa mundo ko.

Ewan. Nakaka asar. Ang dami kong gustong sabihin. Kaso nauunahan ng galit. Kaya bago ko pa masira ang  first day. Tatapusin ko nalang sa mga salitang

AYOKO NA. PAGOD NA KO. GUSTO KO NANG MAG PAHINGA.

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now