Chapter 5 : Bad Day

19 0 0
                                    

Bad Day nga naman hahaha.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Daniel's POV

Halos 2 oras na ako nandito sa room na ito. Wala akong ginawa kundi tumunganga. Mabuti naman at pinalabas na ako ng Principal at ibinigay na sa akin ang permit na hinihingi ko. Kailangan pa ba talagang pahirapan muna yung bata bago bigyan ng permit? Haistt. Ano sasabihin ko kay Papa nito? Bunganga niyang maingay nanaman sasalubong sa akin pagka-uwi ko mamaya kasi tinext pa nung Panot na Principal na iyon.

Habang naglalakad ako nakasalubong ko sina Albie.

"Oy Daniel! Andiyan ka na pala. Half Day ka nga yan , Dre?" sabi ni Albie sabay akbay sa akin.

"Oo nga naman , na-miss ka namin Fafa Daniel." sabi ni Khalil.

"Tumigil tigil nga kayo , isumbong kita kay Sofia diyan Khalil eh. Sayang ka naman. Hahahaha." sabi ko kaya tumahimik sila.

"Pero seryoso pre. Bat' ngayon ka lang namin nakita?" tanong ni Quen.

"Eh nakita niyo naman ako kanina eh. Nung pumasok ako ng classroom." sabi ko.

"Hah? Ayy.. Hindi ka namin napansin. Nagkukulitan kasi kami eh. Hahaha." sabi ni Albie.

"Haay. So magke-kwento pa pala ako? Ganito kasi iyon. Pumasok ako ng classroom tapos late na ako ng 2 oras kaya ayun pinakuha ako ng permit ng magaling na guro natin sa panot na principal , Kaya ayun pinanishment pa ako ni Principal hanggang Lunch. Nakakainis nga eh. Pero pre , anong ginawa niyo?" sabi ko.

"Wala naghanap ng chix , Hahahaha." sabi ni Albie kaya binatukan siya ni Quen.

"Ulol kang lalaki ka." sabi ni Quen.

"Nagmamahal lang naman ako eh. Bat' ba kayo ganyan?! Huhuhu." pagdadrama naman ni Albie.

"Gusto mo bang ilublob ko yang pagmumukha mo sa inidoro?" pananakot ni Khalil kaya natahimik siya. Bad Boy din 'tong si Khalil ay.. Hahaha.

"Hinahanap ka nga pala ni Kath kanina." sabi ni Quen kaya nanlaki yung mata ko.

"Weh?! Di nga?!" biglang sigaw ko kasi pare!! Alam mo yun?! Na-miss ko siya eh.

Naiinis ako sa sarili ko kung bakit pinaglaruan pa namin yung babaeng yun. Gusto niyo bang malaman kung ano ang nangyari? Nah. Huwag na tinatamad din ako mag-kwento , hahaha.

"Hala siya! Ang OA mo naman mag-react." sabi ni Khalil.

"Siyempre naman pre! Alam mo ba yun. Ihh!! Na-miss ko siya eh." sabi ko kay Khalil.

"Kaso... Sabi niya huwag na daw , uhhh." pang-aasar sa akin ni Albie kaya tiningnan ko siya ng masamang-masama yung parang mangangain ako ng tao. Hehehe.

"Talaga naman eh. Tanong mo pa kay Santa Claus. Hahaha." pahabol pa niya.

"Ay.. Sayang.." sabi ko. 

"Bakit kasi pinakalawan mo pa?" tanong sa akin ni Santa Claus--este ni Albie.

"Forget about it. PAST IS PAST. Huwag na natin yun balikan. Bagong araw na ito para sa akin. Para sa amin ni Kathryn!" sigaw ko habang nagtatalon talon pa.

"Wews." sabi ni Khalil kaya natawa kaming lahat.

Habang nagtatawanan kami...

'ATTENTION EVERYONE! THIS IS THE PRINCIPAL! GUSTO KO LANG SABIHIN NA HALF DAY LANG TAYO FOR NOW! TEACHERS AND ALL WHO WORKS IN THIS UNIVERSITY! WE HAVE A MEETING AFTER THE CLASS! THANK YOU!'

At dahil doon sa narinig namin. Nagsigawan lahat ng estudyante. Nakanaman eh. Hahaha.

"Woooh! Babe! Half Day lang! Rinig mo yun?!" sigaw ng isang lalaki

"Oo! Hindi ako bingi!" sabi nung babae.

'Half day lang!' Girl 1

'Yeah Yow!' Boy 1

Tapos sari-sari store---este sigawan pa ang narinig namin.









Вы достигли последнюю опубликованную часть.

⏰ Недавно обновлено: Sep 30, 2016 ⏰

Добавте эту историю в библиотеку и получите уведомление, когда следующия часть будет доступна!

Another ChanceМесто, где живут истории. Откройте их для себя