We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Chapter 1

185 4 3
                                        


Dance

"Go Suzy!Go Suzy!Go go go Suzy go!" sigaw ng mga kaibigan kong malalaki ang bibig. Halos lumabas na ang ugat nila sa leeg kaka-cheer sa akin.

Nagsimula na ang music. Ilang sandali pa ay gumalaw na ang aking kamay at paa sa indayog ng musika. Sabay ng aking pagsayaw ay ang unti-unti pag-ingay ng paligid. Hindi ko maiwasang mapangiti habang sumasayaw ng buong puso.

Ibinigay ko ang lahat ng makakaya ko para sa aming grupo. This contest is just a friendly game. But when it comes to dancing lagi kong ibinibigay ang best ko because this is my field and this is me.

Matapos ang sayaw ay nagbilog kaming Dance Club at nagyakapan. Ramdam ang pagod at saya na kita sa aming mga mata.

"You're really good Suzy. The best."

"Thanks for the compliment you too. All of us did great." ani ko sa isa ko pang co-member.

Hiyawan ang bumalot sa kapaligiran matapos ng aming napakainit na sayaw na mas lalong nagpainit sa entablado.

"Wooh!" nagpakawala ako ng malalim na hininga bago tuluyang lumapit sa aking mga kaibigan. Yumakap sila sa akin at bumalik uli sa pagkakasalampak sa sahig. Nagpatuloy ang event at hindi na ako makapaghintay sa mga susunod.

"Suzy, after ng performance ng English Club ay yung mga non-officers na ang susunod." pahayag ni Harlynd na mukhang excited na excited sa performance nila.

"Kasama nilang magpeperform si Laurent. Grabe minsan ko na siyang nakitang sumayaw nung last na pageant at masasabi kong magaling siyang sumayaw. You have the same genre of songs. Both pop." singit naman ni Thalia. Ramdam ko na nililink niya ako dahil sa mapanuyang mga mata niya pero tinawanan ko na lang siya at itinuon ang atensyon sa mga nagsasayaw sa stage.

Maya-maya lumabas na ang mga non-officers at natanaw ko mula sa aking kinauupuan si Laurent. Actually classmate ko siya but I'm not that close to him at once ko pa lang siya nakausap and that's because of our group work. After that wala na, kasi hindi naman ako ganun kafriendly especially when it comes to boys though I do have guy friends but some are bi.

Nag-start na ang music nila at first kumanta muna sila habang siya naman yung naggitara. Marunong pala siya. Not that bad.

After the song ay kinalas niya ang pagkakapit ng gitara sa kanyang balikat at ibinaba ito sa upuan kung saan siya umupo. Pagkatapos ay bumaba siya ng stage at pumunta sa half center ng gymnasium. May space kasi na nakalaan kung sakaling kailangan ng club ang malaking space for their performance.

The music is korean pop. And it brings me chill the way how he cover the steps of one of my favorite groups in Korea. It do amazed me somehow. Tama nga si Harlynd tungkol sa kanya. Pareho kami ng genre kung saan kami magaling at kung saan kami maaaring mag-excel.

Hindi maalis ang paningin ko sa kanya hanggang sa gumawa siya ng isang stunt. It's tumbling. And it brought my spine chills all over.

"See? Sabi ko sayo eh. What if magsayaw kaya kayo ng sabay?" usal na naman ni Harlynd.

"Suzy, may chemistry kayo when it comes to dancing! Guess na bagay kayo kapag nasa dancefloor! Same hobby, same talent, same music. Meant to be." sabi ni Thalia na parang kinikilig, sadyang mapang-asar. Palibhasa sa aming barkada nasakin ang trono ng madaling maasar, at alam din nilang hindi ako nagagalit sa pang-aasar kaya todo sila.

"How can you tell? Imaginations mo lang yan. Tsaka hindi mangyayari yun. Asa ka." pangaral ko sa kanya dahil ganyan talaga yan at baka kinabukasan o next few days a nililink na ako sa kanya dahil sa mga kaibigan kong ito.

"Wala namang masama. Basta, It's my dream Suzy. Just accept it."

"Okay fine. As if I can win over you." tumawa siya dahil alam na naman niyang talo ako sa pang-aasar niya.

Bakit Ako?Stories to obsess over. Discover now