"Sya na nga talaga"
Iyan ang Paulit ulit na tumatatak sa aking isipan sa tuwing masisilayan ko ang magandang mukha at matatamis na ngiti ni Shenna.
Ngayon, sigurado na ako.
Sya ang para sa akin at Ako ang para kanya.
Sa bawat araw na ginagawa ng Diyos sa aking buhay kapiling sya ay walang nang makahihigit pa.
Sa bawat pagpatak ng mga sandali, parehas naming ipinaramdam ang walang katumbas na pagmamahal namin para sa isa't isa.Mga sandali na patuloy naming lalasapin at di kalilimutin sa paglipas ng panahon.
"Zach ang ganda naman dito!"
Banggit nya ng may pagkamangha gamit ang kanyang matatamis na ngiti.
"Haha ganun ba, hayaan mo, dito kita dadalhin pagkatapos nating maikasal" sambit ko nang may ngiti mula sa aking labi.
"Kasal ka dyan! di ka pa nga nagpo-propose!" may pagkasungit- sungitan nyang tugon.
"Ano ka ba Shenna, darating din tayo dyan maghintay ka lang..."
"At hanggang kelan naman aber?! Mr. Zacheous De Leon?"
mataray nyang sambit sa akin.
"Bakit sigurado kana ba talaga sa akin Ms.Shenna Perez?" tugon ko sa kanya na tila nang aasar.
"Ayy..Mali pala... Dapat pala Mrs.Shenna Perez De Leon na kasi ako, sure na sure na ikaw ang bigay sa akin ni tadhana..." pahabol ko nang may ngiti .
" Aba! oo naman noh! ikaw na lang naman ang hinihintay ko e " pabulong nyang wika pero rinig ko naman.
Nandito kasi kami ngayon sa isang park na para daw sa mga couple.Napagdesisyunan ko syang dalhin dito kasi Alam kong mananariwa sa kanyang mga isipan ang aming unang pagkikita.
Sa lugar kasi na ito, madarama mo talaga ang romantic ambiance na lalong magpapadama sayo ng pag-ibig.Pag-ibig na mula sayong minamahal.
Hahayyysss.... ang sarap mabuhay...
"Oh natulala ka dyan.Alam ko nang maganda ako kaya wag mo na ko titigan haha" sambit nya habang sinusundot nya ako sa tagiliran.
"Opo maganda kana! kayanga papakasalan kita e haha"
Napataas naman kaagad ang isa nyang kilay sa sinabi ko.
"So ganun, hindi mo pala ako papatulan kung walang tong mukhang to huh?!" mataray nyang sambit.
