Time's up

19 2 0
                                        

"May bagong dating!" Napalingon naman ako kung saan galing ang sigaw na iyon at nakita ko si Vicky na papalapit sa akin.

"May bagong dating!" Pag uulit niya nang huminto siya sa harap ko. Kitang kita sa mukha niya ang pagkakasabik na madadagdagan na naman kami.

"Evys! Ang gwapo niya." Kaya pala masaya ang loka! Lalaki pala ang dumating.

"Ano naman?" Walang gana kong sagot sa kanya. Pinagpatuloy ko na lamang ang pag aayos sa buhok kesa makinig sa kanya.

Mukha namang naintindihan niya na ang nais kong iparating kaya't agad din siyang umalis. Ano naman kung may bagong dating? Makakatulong ba siya? Tsk. Hindi rin naman. Hindi nya rin mababago ang sitwasyon. Kahit na isang batalyon pa ang dumating dito, wala parin. Walang mangyayari kaya anong dapat kong ikatuwa?

Patuloy lang ako sa aking ginagawa nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Tinignan ko na lamang ang pinto na patuloy parin na may kumakatok. Maya maya pa'y nabugkas ito at bumungad sa akin si Aling Rosa, na may kasama.

"Hija, Si Calvin bago niyong makakasama." Ngumiti naman sa akin ang tinawag niyang Calvin. Maayos naman siya. Malusog ang kanyang pangangatawan at wala namang mali sa kanya pero bakit siya nandito?

"Evys." Tangi kong tugon na hindi man lang sila nginitian.

"Maiwan ko muna kayo." Narinig kong sabi ni Aling Rosa bago lumabas nang pinto. Naiwan kaming dalawa ni Calvin na walang kibuan hanggang sa basagin niya ang katahimikan.

"Ilang taon ka na rito?" Napatingin ako sa kanya nang dahil sa katanungan niya. Nakangiti lang siya sa akin na tila ba matagal ko na siyang kilala.

"18 taon. Simula pag laki ko nandito na ko." Halata sa mukha niya ang pagkagulat. Ang daming tanong na nakasulat ngayon sa kanyang mukha.

"Iniwan ako ng mga magulang ko pagkapanganak sa akin ng malaman nila na may butas yung puso ko. Wala daw kasi silang panggamot kaya dito na lang nila ko dinala." Pagpapaliwanag ko. Dito sa lugar na ito. Lugar kung saan sama sama kaming may mga sakit na hindi kaya tustusan o alagaan ng sarili naming pamilya. Dito sa lugar kung saan naiintindihan namin ang bawat isa dahil pare-parehas kaming may dinaramdam. May dinadalang malalang sakit.

Ang iba ay pilay, bingi o pipi. Samantala ang iba naman ay may cancer o komplikasyon sa organ. Lahat kami dito ay tinuturing na magulang si Aling Rosa, ang tagapag alaga naming lahat.

"Eh ikaw, bakit ka nandito?" Pag-iiba ko ng usapan. "Mukha namang walang mali sayo eh." Nakita ko na lamang siyang ngumiti. Baliw na ata to! Kanina pa ngiti ng ngiti.

"Cancer sa utak, Stage 1. Kaya ndi pa ganun nakikita sa akin kasi ndi pa naman malala." Nagulat na lamang ako sa sinabi niya. Cancer? Hindi halata sa kanya at maswerte siya dahil nagagawa niya pa ang lahat ng gusto niya. Di hamak sa akin na limitado ang bawat kilos dahil pwede kong ikamatay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Time's upMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon