After 5 years..
"Mom. Pumayag na po kasi kayo.. pumayag na po si Dad. Ikaw nalang po ang hinihintay ko. Please say Yes." Sinusundan ni Shan ang Mommy niya sa kusina habang pinipilit ito sa gusto niya.
"Darling we talk about this last time. The answer is No.. pagdidiin nito.
"But Mom. Lola needs me. At alam kung alam mo na kailangan niya tayo, but you don't want to come.
Gusto ng umuwi ni Shan ng Pinas, para sa kanya masyado ng matagal ang limang taon para takasan pa ang mga nangyari. Dahil naka move on na ito.
"Shan Darling. You know naman na I want to protect you at ayaw ko ng mangyari pa ulit sayo ang nang-. Pinutol naman ito ni Shan.
"Past is past. Tyka matagal na yun at nakulong na ang mga taong yun. Kaya Mommy mag move on na tayo.
Limang taon nadin ang nakakalipas simula ng umalis ang pamilya Busmente para magpunta sa America, simula ng trahediyang nangyari kay Shana.
Hindi akalain ni Shana na nakapabilis ng panahon. Hindi niya din akalain na ang bilis magbago ng lahat. 20 na siya ngayon.
Sa huli ay pumayag din ang mommy ni Shana sa kagustuhan niya. Pero ang sabi sa kanya huwag daw siyang magtitiwala sa kung sino lang at lagi siyang mag update sa mga ginagawa niya sa pinas. Sumang ayon naman ang dalaga.
Ngayon ang uwi niya ng pilipinas kasama ang kanyang pinsan na si Isabelle.
Ayaw sanang payagan pa ng mag asawang Busmente si Shana para bumalik ng Pilipinas, dahil sa America nadin ang buhay nila ngayon at mas maayos at tahimik na sila.
Bagamat nagpumilit si Shana na umuwi at doon muna pansamantala. Kaya pinayagan nadin siya. Matagal na panahon nadin niya na gustong makasama ang kanyang lola dahil ayaw nitong sumama sa America.
Dahil tuwing umuuwi ang kanyang Daddy at Mommy ng isang linggo sa Pilipinas para madalaw ang kanyang lola ay hindi nila ito sinasama. ayaw nadaw nilang maulit pa ang nangyari kay Shana. Matagal naman ng nakalimutan yun ng dalaga dahil sabi nga niya time heals all wounds. At naka recover na talaga ito.
Nang malaman naman ng lola ni Shana ang pag uwi nito sa Pilipinas ay laking tuwa niya, dahil miss na miss na niya ang kanyang apo. Dahil kapag umuuwi din ang kanyang mga pinsan hindi ito kasama at siya lang ang wala tuwing Reunion nila.
"Shan. Wake up. Nandito na tayo." Nabigla naman ito sa paggising ng tapikin siya ni Isabelle. Dalawang taon ang tanda nito sa kanya.
"Ang bilis naman ata ng byahe? Tanong nito habang kumukurap kurap pa, tumingin naman siya sa may bintana ng eroplano upang masiguro ngang nakarating na sila.
"Masyado lang napasarap ang tulog mo mahal na Princesa. Panunukso ng kanyang pinsan.
Ngumiti nalang din si Shan upang tugon. Hindi siya makapaniwala na makakatapak ulit siya sa Pilipinas. Sobrang dami niyang gustong puntahan at gustong makita, marami din siyang namimiss.
Bigla naman sumagi sa isip niya ang isang tao na naging malapit at importante sa kanya.
"Kamusta na kaya siya. Tanong niya sa kanyang isipan.
Habang nasa byahe papunta sa Mansyon ng kanyang lola. Bigla silang napatigil sa EDSA dahil sa traffic. Bigla naman itong napatingin sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang malaking Billboard na nasa daan.
Parang namumukaan niya ang lalaking nandun. Sobrang gwapo nito at makisig. Mukang Modelo ito ng isang magazine hindi nga lang niya masyadong maisalaysay kung saan ba niya ito nakita. Napapaisip tuloy siya at mukang gumugulo ito sa isipan niya. Naiisip naman niya ang isang tao sa lalaki sa Billboard, dahil malabo naman ata na siya.
Nagulat naman siya ng bigla itong tinapik ng pinsan."Nagtataka ka kung sino siya?
"Huh? Nagtataka naman ito.
"Really Shan. You didn't remember Him? Tanong ng kanyang pinsan
"Pinagmasdan ulit ni Shan ang lalaki pilit niyang inaalala kung sino ba ito at saan niya nakita.
"Yang gwapo na yan na nasa malaking Billboard ay si Jaydee Villaruel ang dati mong bestfriend ay isa ng sikat na modelo dito sa Pilipinas.
Hindi parin makapaniwala si Shan sa sinabi ng pinsan ang nasa Billboard ay ang dating bestfriend niyang si Jaydee. Ang laki na ng pinagbago nito, sobrang namangha si Shan sa kagwapuhan ng lalaki ngayon. Limang taon nadin ang nakalipas at biglang nanumbalik lahat ng nangyari noon sa kanila ang trahediyang matagal na niyang kinalimutan at ang nararamdaman nito para sa binata .
"Good for him." Yun lamang ang nasabi niya. May lungkot sa boses at mata ng dalaga. Parang gusto nitong maiyak, dahil sa naalala niya ang huling sinabi nila sa isa't isa ng panahon na yun.
What if hindi nangyari sa kanila yung trahediyang yun. What if hindi siya umalis ng pinas. What if inamin niya ang nararamdaman niya para rito. Pero mga bata pa sila nun at alam niyang baka masaktan lang siya kapag sinabi nito ang feelings niya.
Ang daming what if ang nasa isip niya. Galit kaya ito sa kanya dahil hindi niya natupad ang pangako niya.
