"Good!" Excited itong yumakap sa ama. "Good night, daddy!"

"Good night, baby."

Please play "Mahal na Mahal Kita" by Dingdong A on the right side of your screen

"Kumusta na kayo ni Xander diyan, hon?" tanong ni Alex. Tinawagan agad niya si Sandy paglabas niya ng kuwarto ni Marion.

"Maayos na si Xander. Masigla na siya uli."

"Mabuti naman. Nagawa ba iyong DNA test kanina?"

"Oo tapos na. Sabi malalaman raw ang resulta in 10-14 days."

"Sa Singapore dadalhin ang specimen para mas mabilis ang pag-process."

Katahimikan mula sa kabilang linya.

"Sandy, babalik ako diyan sa Palawan kasama si Marion," tahimik na sabi ni Alex.

"Alex, pwede bang hintayin muna natin ang resulta ng DNA bago ka magplanong bumalik dito sa Palawan," balisang sabi ni Sam.

"No, Sandy. Panahon na para tanggapin mo uli kami ni Marion sa buhay mo," matigas na sagot ni Alex.

"Pero___."

"Sandy, we are coming back to your life whether you like it or not. Tapos na ang araw ng pangungulila naming mag-ama. Panahon na para mabuo uli ang pamilya natin."

Hindi na kumibo si Sam.

"I missed my wife so much. I missed you, Sandy," bakas sa tono ng boses nito ang hirap na nararamdaman ng oras na iyon.

Nang araw ng pagdating ni Alex at Marion ay maagang nagising si Sam. Nagluto agad ito ng spaghetti at fried chicken.

Sana magustuhan ni Marion ang niluto ko. Ano kaya ang favorite ng batang iyon. HIndi kaya pihikan.

"Tao po! Tao po! Samantha?" 

"Aling Nelia, tuloy po kayo," sabi ni Sam nang buksan ang pinto.

"Naku hindi na at mamamalengke pa ako. Ibibigay ko lang sana itong sobre kay Amelia, nahulog doon sa tapat ng bahay namin sa pagmamadali niyang umalis noong dalawang araw na ang nakakalipas. Napulot ng anak ko eh hindi naman agad pinaalam sa akin kaya ngayon ko lang dinala dito sa inyo," mahaba nitong paliwanag habang inaabot kay Sam ang brown envelop.

"Salamat po, Aling Nelia."

"Nasaan na nga pala ang pinsan mo? Saan ba iyong pupunta at nagmamadaling umalis?"

"Hindi ko po alam, Aling Nelia. Hindi pa nga bumabalik hanggang ngayon."

"Ganoon ba? Hmm, saan nga kaya pumunta iyon. Sabi ng anak ko sinundo raw ng isang lalake. Tinawag nga raw niya para ihabol ang sobre pero hindi raw napansin dahil sa pagmamadali. O sige na at baka wala na akong abutang preskong karne sa palengke."

"Thank you po uli, Aling Nelia." Napatingin si Sam sa harapan ng sobre. Walang nakasulat dito, nakasarado pa ito.

Nasaan ka na ba, Ate Amelia?

"Mommy, caltoon!"

"Gusto mong manood ng cartoons, Xander?"

"Caltoons!!!

Mabilis itong tumango. Kinuha ni Sam ang remote control para ilipat sa cartoon channel ang palabas.

Maghihintay Sayo (The Love Story of Alex and Sandy)Where stories live. Discover now