June, 20XX - Monday
CELLPHONE RiNGiNG ALARM !!
Ayst! parang kakatulog ko pa lang tapos kailangan na ulit gumising. Pero wala kong choice but to face this complicated and unfair life ..
Everything is prepared now. kinuha ko na yung bag ko para makaalis na papunta sa school.
"CAAAAALLLLLLEEEEEEEENNN" Ayst! kung mkasigaw nman si Mama Beng parang akala mo wala pang tulog sa kapit-bahay.
"PO' Ma ??" Mahina kong sigaw, kasi naman si Mama nasa loob ng kusina at habang ako nasa pintuan na.
"Hindi ka pa kumakain! mag-almusal ka muna!"
"Ma' sa school na lang po ako kakain, tsaka late na rin po kasi ako eh. Sige po Bye ^_______^" Hindi ko na hinintay yung sasabihin pa ni Mama at lumabas na ko ng bahay. For sure pipilitin lang ako nun.
By the way, my name is Calin Carreon. 17 years old, 2nd year college and I'm taking BS in Business Administration.
First day of school ngayon. Hindi nman ako kinakabahan kasi yung mga classmate ko last school year, sila pa din naman yung mga classmates ko ngayon. Block Section kami so excited ako kasi miss ko na Sila lalo na yung Bestfriend ko, si Cathy. ^______^
Finally here in my school. Kakapasok ko pa lang pero ang gulo-gulo na! nasa dulo pa kasi yung campus ng mga college eh kaya madadaanan muna namin yung campus ng high school. Ang gara noh? branch lang kasi yung campus namin.
Flag ceremony ng mga high school kaya party-party sila sa quadrangle. Sobrang gulo! Ayts .. narealize ko, my shortcut pala sa parking area ng school. Mapapalayo nga lang ako pero keriboom na yun kaysa makipagsiksikan ako sa mga mahaharot at isip batang mga high school.
Kinabit ko na yung earphone ko.
Marry Me By Jason Derulo, sobrang favorite ko talaga 'tong song na ito. ;)
Nilakasan ko pa yung volume habang sumasabay ako sa kanta.
"PIIIIIIIIIIIPPIIIIIIIIIIIIIIIIIIPPPPPP"
"AAAAAAYYYYYYY!" Napasigaw ako bigla at nagulat dahil sa sasakyan sa likod ko. Heyop! Bastos! -_-
May bumabang lalaki sa magandang sasakyan. Base sa get-up nya I'm sure high school student sya dito. Naka-uniform eh. Galit na galit yung mukha nya pero ang cute nya mukha nga lang totoy. Bigla syang nagsalita ,
"HOY?? KUNG MAGPAPAKAMATAY KA? TUMALON KA SA BUiLDiNG O KAYA MAGBiGTi KA SA KWARTO MO! WAG KA MANDAMAY!! (BeastMode)"
"Ah' bata sobra ka naman! Sorry, nagso-sounds kasi ako eh kaya di ko napansin na may.. Bla.. Bla.. Bla.."
"WALA KONG PAKE?? NEXT TiME KUNG MAG-EEMOTE KA' DUN KA SA IBABAW NG BUNDOK O KAYA SA iBABAW NG BULKAN!!"
"HOY! TEKA NGA?? GRABE KA MAGSALiTA HA? AKALA MO, Bla.. Bla.. Bla.." Bigla siyang pumasok sa sasakyan nya. Peste! wala man lang akong salitang natapos! tsaka sobrang bastos nya! gaano ko ba naagrabyado yung buhay nya? kung magalit sya para namang may naganap na patayan! KEBEDTREP!! May araw din yun sakin! -_-
Pagpasok ko ng room hindi ko na nangitian lahat ng mga bumati sakin dahil nawala na ko sa mood. ;/
Pagkaupo ko sinandal ko na agad yung mukha ko sa desk at pumikit. Inaantok pa din ako eh! Ayts! kalimutan ang badvibes.
Mga 5 minutes din siguro akong nakaidlip ng may humampas sa ulo ko kaya napaangat ako.
"Araaaay ha??" nagulat ako dahil yung bestfriend ko pala yun, si Cathy, kaya sa halip na magalit eh tumayo ako at niyakap ko sya ng mahigpit.
"Aray' Calin ha? gumaganti ka ?? yung yakap mo may tulak!" ;)
"Cathy, sobra talaga kitang namiss ^____^" niyakap ko sya ulit.
"Oo na! syempre namiss din kita ng sobra pa sa pagkamiss mo!" niyakap din nya ko ng sobrang higpit.
"By the way Girl, bakit nga pala unang-unang araw ng klase eh tulog ka and nakabusangot pa yung mukha mo??" Umupo na kami.
"Kasi naman girl, may batang high school dun na bastos! kung sigawan nya ko akala mo sya yung presidente ng pilipinas, thinking na mas matanda pa ko sa kanya. High school lang sya at ako college pero wala syang respeto!"
"Pagpasensyahan mo na! alam mo naman private school yan, mga rich kid kaya nga mga spoiled."
"Hindi nuh? may araw din sakin yun! wag lang ulit magtagpo yung landas namin. Naku!! kakalbuhin ko yung taas-taas nyang buhok!"
Dumating na yung Professor namin. As the common first day of school routine, introduce yourself in front! kakaloka! kilala na nga namin yung isa't-isa. Then after nun orientation lang about grading system pati din sa mga topic na matatacle namin.
Break time, may high school group of students na pumasok sa room. Ayst! hindi ko na sila inintindi! galit ako sa mga high school. Naaalala ko yung kanina! Inayos ko na lang yung laman ng bag ko. Medyo magulo na kasi eh. Tinignan ko ulit yung high school girl sa harap. In all fairness, ang ganda nya mukha syang barbie.
"Hello po mga ate at mga kuya, by the way I'm Faith, vocalist of The Living Dead Band. We are here to deeply ask for your help simply by voting our band this coming july for the battle of the band. Sana iboto nyo po kami. Salamat Po ;)"
Ganun pala! ang saya talaga maging high school, ang daming ganap! tinuloy ko na yung sinusulat ko. Pinakinggan ko na lang yung lalaking sunod na nagsalita sa harap.
"Hello everyone ;) My name is Grae Friaz, I'm the guitarist of our band. We expect your votes and we will appreciate it from the bottom of our hearts. Thank you and good day!"
Good day?? hindi nga mganda ang araw eh. Bigla naman akong siniko ni Cathy.
"Aray naman girl! bakit ba?"
"Girlash! tignan mo yung guy sa harap, yung nagsasalita ang pogi nya diba??" Grabe si Cathy, ngayon ko lang sya nakitang humarot ng ganyan. Tinignan ko yung lalaking nagsasalita sa harap at nagulat ako ng makita ko sya. Napatayo ako ..
SYA: O_O
AKO: >.<
--------------------------------
