Kabanata 16

26 1 0
                                        

Kabanata 16 


Express

"This was great, though may mga adjectives lang na hindi masyadong fit sa gusto mong iparating sa reader," Sir said. 

3 more days before the competition. So, naghihigpit na kami sa mga tutorials para maging effective yung mga isusulat kong poems. Araw-araw na kaming may sessions tuwing uwian, minsan naman ay ineexcuse ako ni Sir sa classes ko para lang makapag-practice. Araw-araw din akong hatid-sundo kay Zoen kaya palagi kaming naasar ng mga kaklase at mga teachers. 

Wala naman para sa'kin dahil ayoko ng mag-isip ng ganoon sa ngayon, hindi ko kailangan ng distraction. 

"Asan nga pala si Zoen?" Tanong ni Sir pagkatapos ibigay sakin ang bagong topic na inspirasyon ko sa susunod kong isusulat. Isinulat niya iyon sa papel saka iniaabot sa akin. 

"Ewan ko po," Kinuha ko ang papel saka tiningnan iyon. Napahinga ako ng malalim. About friendship. 

"Ah, that's strange." Luminga-linga pa siya sa palagid para hanapin siguro kung nasaan si Zoen.

Minsan naiisip ko kung may gusto to kay Zoen e. Paano ba naman kasi may chismis-chismis na bakla raw ito. Although wala pa namang confirmation galing sa mga chismosa kong mga kaklase pero halata mo rin naman sa way ng pagkilos niya at pananalita niya. Pero may probability parin naman na ganun lang talaga siya kumilos. Wala na tayong magagawa doon. 

"You know, writing is an underestimated art," Panimula niya. 

Napalingon naman ako sakanya. "Nakita ko lang iyon sa twitter." Tumawa siya. 

"May twitter ka po pala?" I said. 

Nag-iba ang aura niya bigla at nagseryoso. "Of course! Porket medyo matanda at teacher, hindi pwedeng magkaroon ng twitter?"

Umiling naman ako. "Hindi naman po!" 

Tumango naman siya. "Iyon naman pala." 

"Well, as I said. Writing is an underestimated art," Panimula niya ulit. Tumango naman ako.

"Because you are painting colorful images on the reader's mind by using words of black and white." He said. Ngumiti naman ako, indeed writing is an underestimated art. 

Maya-maya ay biglang may kumatok sa pintuan. Napalingon kami doon. "Siguro si Zoen na iyan." 

Tumango naman ako. Well, si Zoen lang naman ang pumupunta rito. Tumayo ako papunta sa pinto par buksan ito. 

"What are you doing here?" I asked. Gulat sa bumungad sakin. 

"We have a projectto be done. Tayo nalang ang di pa nakapagpapasa. Binigyan tayo ni Ma'am hanggang 5:30 pm para ipasa kasi excused ka naman kanina." He said. Gulat pa'rin ako ngayon, kaya hindi agad ako naka-react sa sinasabi niya. 

"Hindi ba si Zoen iyan?" Tanong sa akin ni Sir. Tumayo siya at pumunta sa tabi ko. 

"Oh! False hope. Akala ko si Zoen na." Humalakhak siya. 

Napabaling naman ako kay Ken na ngayon ay naguguluhan. "Araw-araw dito si Zoen?" he asked. 

Bago pa ako makasagot ay sumagot na kaagad si Sir. "Naku! Oo! Ngayon lang nga siya pumalya eh. Araw-araw niya kasing sinusundo o sinasamahan--"

"A-Ah! Sir, pwede po bang bukas ko na lang ito ipasa? May project pa kasi kaming gagawin eh. Submission na ngayon."

Kumunot ang noo ni sir, bumaling naman ako kay Ken an ngayon ay nakakunot din ang noo. "O, sige." Tumango siya sa amin at ngumiti. Tumakbo ako sa upuan kung saan ako nakaupo kanina para kunin iyong mga gamit ko. 

Chasing YouWhere stories live. Discover now