Nang nasa sasakyan na kami, tinanong ko si Daddy.
Angel: Dad, saan tayo pupunta?
Daddy: Secret. Surprise ito at alam kong magugustuhan nyo to, lalo na si Alexander.
Alex: Talaga Dad?
Daddy: Yup, nakita ko siya accidentally habang bumibyahe ako kaya naisipan kong silipin. Hindi ako nagsisi na tingnan dahil na-amaze ako!
Angel: Wow, nakakaexcite naman. Ngayon ko lang kasi kayo ulit nakita na ma-amaze ng ganyan na dadalhin nyo pa talaga kami ni Alexander doon para makita namin..
Ang tagal ng byahe namin, mga ilang oras yun. Kaya wala kaming ginawa ni Alex kundi maglaro at magharutan sa loob ng sasakyan, pero sa huli, nakatulog din kami.. Ginising kami ni Daddy at iisa lang ang ibig sabihin nun, ang nakarating na kami sa pupuntahan namin. Pagbaba ko, isang hotel ang tumapat sa akin, madaming ilaw yung hotel na iyon kaya maganda. At tsaka napansin ko din na sobrang dilim na sa paligid nun.
Daddy: Dito muna tayo magi-stay, madilim na kasi.
Alex: Eh yung surprise Dad?
Daddy: Ipagpabukas nalang natin yun, okay? *Nilagay ang kamay niya sa ulo ni Alex*
Angel: Ay ganun. Excited pa naman ako.
Daddy: Save mo nalang yang excitement mo para bukas ha?
Angel: Sige po..
Pagkatapos namin mag-check in ng kwarto, pumasok kami agad doon at nagulat ako na may halong amazement dahil ang view namin sa bintana ay beach. Kahit gabi na, kitang kita parin yung buong beach. Napansin ko din na merong maliit na isla sa dagat, hindi naman kalayuan pero sigurado akong malalim na doon. Natuwa ako kasi hugis puso yung isla at madaming ilaw na nakahilera papunta doon, pati na rin mismo sa isla. "Siguro doon pumupunta yung mga turistang mag-couple pag nagdi-date, o di kaya pinupuntahan ng mga bagong kasal" Ayun yung nasa isip ko nun nung mga oras na yun. Parang gusto ko tuloy pumunta pero wala akong love-life eh, kaya hindi romantic.
Nakahiga na ako noon sa kama pero di ako makatulog. Parang may gumugulo sa isip ko na hindi ko maintindihan. Nakita ko nalang sa orasan na one o'clock na ng madaling araw. Hindi ko rin alam kung bakit iba yung pakiramdam ko, kung naeexcire ba ako sa makikita ko mamaya o kaya dahil sa insomniac ako at hindi na ako nasanay na di nakakatulog kaagad?
Dahil doon, naisipan ko nalang na kumuha ng gatas sa kusina. Dumiretso ako sa bintana para magpahangin muna. Nakakamiss kasi yung ganitong hangin, lalo na't taga-Manila ako at minsan lang ako makaka-amoy ng fresh na hangin at dagat.. Hanggang sa nakakita ako ng isang lalaki sa madilim na side ng seashore. Mga 5'6" ang height niya, sure ako na mas-matangkad siya kasi 5' lang ako. Caramel yung skin-color niya. Nakita ko din yung mukha niya, naks! Batang bata yung itsura ni kuya, pang grade 6. Pero seryoso, cute siya at may itsura kahit papaano. Hindi mo masasabi na pangit siya. Ang weird lang na napansin ko ay yung suot niya kasi nakapants lang siya na hanggang tuhod at wala siyang pantaas.
Napatanong ako sa sarili ko kung hindi ba siya nilalamigan, pero mas kapansin pansin yung dirty white polka dots na pattern sa likod niya. Nagsisimula yun sa leeg niya hanggang sa pinakababa ng likod. Tinititigan ko yung pattern na yun nang bigla siyang tumingin sa akin. Napatingin tuloy ako sa kaliwa at kanan ko kasi baka may iba siyang tinitingnan pero ako talaga eh, sa akin talaga siya nakatingin. Ngumiti siya sa akin tapos nagswimming na sa dagat. Yun ata yung pinakaweird na nangyari sa buhay ko kaya kino-convince ko yung sarili ko na panaginip lang yun o kaya dahil sa inaantok na ako kaya natulog nalang ako ulit.
