Babysit ~ Thirty Nine

Start from the beginning
                                    

Hinanap ko si Nina, para magpaalam na sa kanya. Sa ibang araw na lang ako babawi sa kanya. Sa ibang araw na lang namin isi-celebrate ang birthday niya... yung kami lang dalawa.

"Nina!!" Nakita ko si Nina na nasa may kabilang table, nakikipag usap sa colllege friends ata namin. Familiar kasi eh.

"Oh Ciara. Ang tagal mo naman." Hinawakan ko siya sa kamay.

"I have to go. M-medyo sumama kasi yung pakiramdam ko." Nakita ko ang lungkot sa mata niya.

"Ganon ba? Gusto mo bang ihatid kita? Hindi pa naman talaga nag i-start ang party ko." Umiling ako sa sinabi niya.

"Wag na. Ano ka ba! Hindi na kailangan. Basta i-enjoy mo lang ang birthday mo. This is your night, and I don't wanna ruin it."

"Are you sure?"

"Yes... nag pasundo na ko. You don't have to worry."

"Sige, dun muna tayo sa table natin habang hinihintay mo pa yung sundo mo." Naglakad na kami pabalik sa table namin kanina. Nandun pa din si Jake kasama yung pinsan niya, yung na-meet ko sa hospital.

"Hey baby, baka naman pagod ka na kaka-entertain mo sa mga guests mo. May gagawin pa tayo mamaya." Binatukan ni Nina si Jake dahil sa sinabi niya.

"Magtigil ka nga." May dumaang waiter kaya ikinuha ako ni Nina ng juice. "Nasan pala si Miguel?" Tanong niya kila Jake.

"Ayun... binigyan lang namin ng words of wisdom. Eh kung maka-react yung pinsan mo... akala mo siya ang tatay ng dinadala ni Ciara. Hindi naman pala." Nag init ang pisngi ko sa sinabi ng pinsan ni Jake.

"Teka, napansin ko kanina si Hanzen dito ah. Nanggaling din siya sa way ng c.r. Hindi ba kayo nagkasalubong Ciara?"

"H-ha? H-hindi Jake, k-kakalabas ko lang ng c.r eh."

"Ah... baka naman nagluluksa. Hanggang ngayon kasi... pinapahanap ka niya. Hindi niya siguro alam na nandito ka na." Sabi ni Jake.

"Awww, brad! Nasabi ko pa naman sa kanya na nandito si Ciara." Sabi nung pinsan niya na nakalimutan ko na yung pangalan.

His BABYsitter (Complete)Where stories live. Discover now