SchoolMate

309 11 0
                                    

Ghin's POV

Hayyy... 1st week palang, nakakadugo na itong engineering na ito, akala ko hayahay pa. What a life?! andaming assignments, plates and quizzes na agad. Wala pa akong masyadong nakakaclose na blockmate ko, I don't like this feeling... I miss my High school friends and classmates. Sana sa Baguio nalang ako nag-aral.  Nag-aaral nga pala ako sa EA University

Friday Morning

Gosh! 5 am na naman, I have my class at 7 am, biyabiyahe pa ako. Hindi kasi ako marunong magdrive so... hindi ko magamit yung car and wala kaming driver ngayon! POOR ME! 

Pagkatapos kong nagbreakfast at nagprepare, 6 am otw na kami sa school. 

---

Marz's POV

Goodmorning! Friday na naman! wow! naka1 week na agad kami, madami na akong nakitang freshmen at madami na ding assignments, plates and quizzes pero okay lang yan, sanay naman na ako. Nagboboarding house pala ako, sayang naman yung pera kung maguuwian ako, di naman kami mayaman. Mamaya pa palang 8 am ang class pero ang ang aga kong magising 6 am, nasanay na kasi akong walang tulog o maagang nagigising.

---

Ghin's POV

Pol. Sci first subject ko, ayan na naman yung terror na prof. Si SirXXX. Inaantok pa ako, pero kailangan kong makinig dahil terror nga siya. Hindi pwedeng hindi ka makinig kasi lagot ka. Lahat kami nakikinig sa kanya. 

8am na, yes! tapos na ang pol.sci, Study and Thinking skills(english) naman ang susunod, Si Sir R. naman, yung kamukha ni Ogie Diaz, ang puti niyang lalaki. Okay naman yung English, yun nga lang nadidistract ako sa mga tao naglalakad sa corridor. -_-

9am na vacant namin, 1 hour! yeah! pero may pinag-uusapan mga blockmate ko, ewan ko kung sino yun may meeting siguro sila with Ate Marz daw,  I'm curious kung sino yun, ay ewan ko sa kanila.

Lumabas ako ng room namin at naglakad palabas nang biglang...

may nakasalubong ako, it's a girl. tinitigan ko siya at nakatitig din siya sakin,pero bakit ganoon yung feeling , kakakita ko palang sa kanya parang may iba... nakalagpas na siya sakin at tinititigan ko pa rin siya hanggang papalayo sakin. Crush ko ata siya, but what?! what im saying?! no! Big big no! I think she's in higher year siguro ABEL ang course nya. I don't know who is she, ngayon ko lang siya nakasalubong eh.

Bumalik na akong room namin for Filipino, hihintayin ko nalang hanggang magtime na.


Marz's POV

Naglalakad ako sa corridor ng Civil Engineering Building, malayo pa ako pero may nakita akong lumabas na girl sa isang room at nang papalapit na ako nakasalubong ko siya at nagkatitigan kami, pero bakit parang kinukuryente ako ng mga titig niya sakin.

Hindi ko namalayan nakalagpas na pala ako sa kanya pero siya parin ang iniisip ko, hindi ko siya kilala malamang 1st year yun o kaya transferee pero bakit ang laki ng epekto niya sakin.

*Umiling iling ako* urrrrgh! bakit ganoon? ay ewan ko... parang I have a feeling.... tsk! No! dumeretso na ako sa room ng susunod kong class. 

Habang nagdidiscuss yung prof. namin, lutang ako. Iniisip ko na naman yung girl na yun, bakit ganito ang epekto nya sakin eh, di ko naman siya kilala tska babae ako , ay ! di pwede! urgh!

buong klase ko ng morning, hindi ako nakafocus at nakikinig dahil sa girl na nakita ko kanina. Pero Mukha siyang mayabang at mayaman, cute nga lang. Ayan na naman! hindi siya cute okay! *sabi ko sa sarili ko*

Ghin's POV

Lunch na kasama ko ngayon kumain mga dati kong classmate na schoolmate ko naman ngayon pero iniisip ko yung girl kanina. There's something on her na hindi maexplain... pero i don't care, Chem1, plane and spherical trigo and college algebra namin this afternoon, what the heck?! pinagsama sama ang mahihirap na subject.

Pagkatapos namin kumain dumeretso ako sa room ng chem1 namin.

Marz's POV 

Kumakain ako ngayon pero hindi ko maiwasan na maging tulala, napansin yun ng friend ko.

 Lea: Marz, bakit parang tulala ka? may sakit kaba? anong nangyari sayo? o kaya may bago kang crush noh? HAHAHAHA! 

Sumimangot ako sa kanya and I rolled my eyes, ayun tuloy nasungitan siya. Kilalang kilala talaga niya ako eh, alam niyang may crush ako... hah?! what crush?! yung babaeng yun?! no!

Lea: uyy bakit? may crush ka talaga noh?! yiiiiiiiie! hahaha! ipakilala mo naman sakin.

Me: lea?! ano ba?! wala noh... may iniisip lang.

Lea: May iniisip ka nga, sino ba yun?

Me: sino ka diyan?!wala nga eh!

Lea: okay sige Ms.sungit, edi wala pero para talaga sakin meron, pero ang masasabi ko lang, hinay hinay lang kung mafall ka diyan, ikaw din kasi masasaktan.

Me:Baliw!

 Ghin's POV 

hayyy sa wakas! uwian na din, pero may magsusundo naman sakin yung pinsan ko. Di ko talaga makalimutan yung babaeng yun, after nung kanina, di ko na siya nakita eh.

Ayun, sakto andiyan na yung pinsan ko.

 Pagkauwi ko sa house, humiga ako agad. 

Me: hayyyy... nakakapagod, makatulog na nga, mamaya na ako kakain.


Marz's POV 

Kakapagod tong na araw na ito, pero inaasahan ko ulit na makikita ko yung girl na yun pero hindi na. Ewan ko ba ang sarap nyang titigan...ano kayang name niya? mabait kaya siya mukha kasing mayabang eh.


hanggang sa nakatulog na ako sa kakaisip sa babaeng yun.




TOWER OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon