Chapter 21 (under construction)

Magsimula sa umpisa
                                    

Hininto niya ang sasakyan..



"Anj sagutin mo na kasi ako! Pangako hinding hindi ka magsisisi..."



"Ano bang pinag sasabi mo?"



"Anj ok naman diba? Mabait naman ako, bakit hindi pa maging tayo?"



"Teka nga sagutin mo muna ang tanong ko sa'yo kanina. Anong nangyari sa inyo ng kuya mo?"



Tumahimik siya at tumingin sa malayo...



"Hindi ako papayag na mapunta ka lang kay Stanly, Anj."



"Huh?"



"Galit ako sa kanya ngayon! Hindi ako papayag na mapunta ka sa kanya."



Ito na siguro ang tamang panahon para sabihin sa kanyang hindi siya ang lalaking gusto ko..



"Slate, sorry pero hindi ikaw ang gusto ko eh." Mahinahon kong sagot.. hindi ko pwedeng sigawan to dahil mukhang naka inom..



"Pero gusto naman kita eh.."



"Slate makinig ka.. may iba na akong mahal.."



"Sino? Si Stanly ba? Anj hindi ka niya mahal! Hindi ka nga niya gusto eh!"



Parang kumurot sa dibdib ko ang mga sinabi niya sakin..



"Slate, lasing ka ba?"



"Alam mo ba kung bakit palagi akong wala?"



Tumingin siya sakin ng nakakatakot ewan may halong nakaka awa din..



"Dahil sa tuwing makikita ko kayo ni kuya na mag kasama! Parang hinihiwa ang puso ko! Anj sayo ko lang naramdaman 'to! Ibang-iba ka sa huling girlfriend ko Anj. Sa tuwing lalapit ako sa'yo hinaharang ako ni kuya! Hindi mo ba napapansin yun? Ayaw niya kong mapalapit sayo dahil iniisip niya na baka pag laruan lang kita pero Anj, di naman totoo yun eh!"



"Slate hindi talaga.. kapatid lang ang turing ko sa'yo eh.."



Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko..



"Maghihintay pa rin ako Anj."



Hala paano na 'to?? Bakit pinalaki ko pa yung gulo na 'to? Kasalanan ko kung bakit siya nagkakaganito..



Niyakap niya ko at pagkatapos nginitian niya ko.. ang gwapo niya kapag ngumingiti pero nalulungkot pa rin ako dahil alam ko na sa likod ng mga ngiting yun ay ang masakit na nararamdaman niya. Binuksan na niya ang pinto at lumabas na 'ko..



Umuwi na lang ako sa apartment ko, parang nawalan na rin ako ng ganang pumasok. Ang dami-daming pumapasok sa isip ko ngayon.



Stanly's POV

Ilang araw ng di nagpapakita sakin si Slate. Even on my birthday kahit sana dumaan lang siya pero di talaga.. Tanya tried to contact him, even mom pero nagmamatigas yata talaga. Sabi naman sakin ni Tanya dumalaw naman daw siya noong isang araw sa wakwak para makita si mommy pero ayaw niya talaga ako makausap, tsk bakit naman kung kelan tumanda kami tsaka kami nagkaproblema ng ganito. Di ko naman 'to ginusto eh, di din pumasok si Angelie ngayon pero nagpaalam naman siya na may pupuntahan lang daw siyang dating kakilala.



One more time, isa nalang talaga...



Cring..........



"The number you dialled is not yet in service.."



Mysterious SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon