'Ang ganda naman ng ngiti ng isang 'to' nasabi ko na lang sa sarili ko 'at ang ganda rin ng mata niya'

The next day after ng kwentuhan namin, ipinahiram niya sa akin yung isang librong ikinukwento niya. After that, doon na kami nagsimulang maging close at doon na rin ako unti-unting tinamaan sa lalaking ito.

Back to reality.

Pinanuod ko si Chim habang umiinom ng kape. Ba't ba ang gwapo ng isang 'to? Pwede na siyang maging model ng coffee shop na ito. Para kasi akong nanuuod ng commercial habang tinitignan ko siya eh.

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya saa kin kaya naman medyo natauhan ako na napatitig na pala ako ng husto sa kanya.

"A-ah wala naman. Bakit?"

Nginitian niya ulit ako, "wala lang. Grabe ka kasi makatitig sa akin, eh. Bakit, nagiging kamukha ko na ba si Augustus Waters?" natatawa-tawa niyang tanong. Si Augustus Waters yung isa sa fictional characters nung librong madalas namin pag kwentuhan.

"Hindi ka pwedeng maging si Agustus Waters kung hindi ka pa nakakahanap ng iyong Hazel Grace," pagbibiro ko sa kanya.

"Paano ka naman nakakasiguradong wala pang dumarating na Hazel Grace sa buhay ko?"

"Bakit meron na ba?" pabirong tanong ko sa kanya pero deep inside kinakabahan ako. 

Anak nang pating. Wag mong sabihin na may iba ka nang nagugustuhan!

"Oo naman!" sagot niya.

"W-wow! Sino yun, ha? Ikaw ha! Di ka nagkukwento!" pang-aasar ko sa kanya.

"Gusto mo talaga malaman kung sino ang Hazel Grace ko?"

"Sino ba?"

Binigyan niya ako ng isang ngiti. Tinitigan niya ako sa mata habang unti-unting inilalapit ang mukha niya saakin. My heart skips a beat. Halos mapatigil ako sa pag hinga and I feel a tight knot on my stomach. Naramdaman ko ang hininga ni Chim sa may tenga ko kasabay ng isang bulong.

"Secret," at lumayo na siya saakin sabay tawa ng malakas.

Bwiset na to!

Pinapakilig ako!

The next day, P.E class namin sa school. Nakaupo ako kasama ng mga kaibigan ko doon sa bleacher at pinapanuod yung mga lalaki naming classmate maglaro ng basketball.

Todo cheers at sigawan ang mga kaibigan ko sa mga naglalaro habang ako naman eh nakapako lang ang tingin ko kay Chim. Hindi ko alam kung yung team ba niya ang lamang ang score o yung kabilang team. Mukha ngang hindi panunuod ng basketball game ang ginagawa ko eh kundi pagtitig kay Chim. Napaka seryoso nang mukha niya habang nag lalaro. Medyo pawisan na rin siya at yung ilang strands ng buhok niya ay natatakpan na ang mga mata niya. Hinawi niya pataas ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. Nang mapunta na sa court nila ang bola, pinanuod ko siyang tumakbo. Ang bilis niya, gawa na rin siguro ng mahahaba niyang mga binti kaya ang lalaki ng mga hakbang niya. May humaharang sa kanya ngayon na isang player pero madali siyang naka-overtake dito. Ipinasa kay Chim nung ka-team niya ang bola. Nasalo niya. Pumorma siya na para bang isa siyang sikat na NBA player sabay inihagis ang bola sa ere. Pumasok ang bola sa ring. Three points shot. Naghiyawan ang mga nanunuod.

"Ang galing mo Chim!!" dinig kong sabi nung isa namin kaklase, si Karen.

Syempre papatalo ba naman ako ng pag c-cheer sa kanya? Tumayo ako at pumalakpak, "good job Chim!! The best ka talaga!!"

Napatingin siya sa direksyon namin at kinindatan ako.

Bakit ang gwapo niya?  Bakit siya kumikindat? Hindi ba niya alam na weakness ng mga babae, 'yon? Gusto ba niya akong atakihin sa puso ngayon?

Nine StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon