Dinala naman ng mga staff and crew sina Anja ang Maine sa meeting room. Pagkapasok nina Maine ay una niya kaagad napansin si Alden at bakas naman sa mukha ni Alden ang lungkot ng iwasan siya ng tingin nito. Nakipag-beso ito sa mga tao sa loob at nang kay Alden na ay nakipagkamay na lang ito.

Siniko pa siya ni Anja nang nang makaupo na silang dalawa, na kaharap ni Alden si Maine. "Bakit kinamayan mo lang? Umasa tuloy 'yong tao." Bulong pa ni Anja.

"Baliw, ayos lang 'yan."

Napangisi na lang din naman sa kanya si Maine at dumating na rin naman ang ibang staff. Hindi naman nakadating sa meeting si Louisse dahil may kailangan iton puntahan, isang prior commitment na bawal niyang palagpasin kundi mawawala naman sa kanya.

"So, before we start the meeting. We would like to welcome Maine Alvarez to our family." Ani ng director sa kanila, "I hope Maine na mag-enjoy ka at mamahalin mo ang trabaho mong ito." Aniya.


Hindi naman nawala ang ngiti ni Maine sa harap ng staff. Halos kahit kasi simple lang ang dating niya ngayon, hindi mo maikakaila na kagandahan nga talaga ang babaeng ito. Simple kung manamit, mag-ayos sa sarili pero kapag siya na mismo ang nagdala, mag-iiba ang tingin mo sa isang babae na katulad niya.

Sa isip nga ni Alden, ibang iba si Maine kay Louisse. May nakita si Alden kay Maine na never niyang nakita kay Louisse. Dahil si Maine lang ang kaya niyang hanap-hanapin magpakailanman.

Naging usap-usapan sa meeting nila ang magiging pagpasok ni Maine sa teleserye. Kasama na daw talaga sa script ang magiging role nito pero they can't find the right person to do that role, hindi fit para sa kanila and Maine is the right person to act the role. Ang stranger turns to love interest ni Alden. Hindi naman kinakabahan si Maine sa mga gagawin niya, medyo alanganin lang din kung hindi siya magugustuhan or kaya maging flop ang pagpasok niya rito.

"Alam mo Maine, don't be such a nega, alam mo, may talent ka. Kahit mag-wacky faces ka pa diyan, kahit wala kang workshop. Masasanay ka rin naman and don't think about the negative feedback, isipin mo na magiging way 'yon para maging maganda ang kalalabasan ng acting mo. At syempre, si Richard pa 'yong makakasama mo." sabi ng director sa kanya.

Napatango na lang din naman siya, "ah, si Tisoy."

"Tisoy?" sabat naman ni Alden.

Napailing na lang at natawa na lang si Maine, "wala, half-american ka diba?" napatango naman si Alden kay Maine, "tapos ang puti mo pa, wala lang, tisoy lang. Bagay naman diba?"

"Pero mas bagay kung Bae ang itatawag mo sa kanya." sabat naman ni Anja.

Tinaasan naman siya ng kilay ni Maine at napangisi, "baliw ka, Anja." Aniya.

"Oh, sige balik na tayo."

Mas nagkaroon naman si Maine ng confident para gawin ang kanyang role sa teleseryeng ito. Baguhan siya kaya kailangan niyang sanayin 'yong sarili niya. Ilang saglit lang din nang matapos ang kanilang meeting, paalis na sana sina Anja at Maine nang lapitan sila ni Alden.

"Maine..." hawak nito sa braso ng babae.

Parang kung anong bagay ang nagpaatras kay Maine nang magdikit ang mga balat nila kaya naman hindi niya na lang iyon pinahalata at nilingon si Alden. "Bakit Tisoy?"

"Kumusta ka na?"

Tiningnan pa ni Maine si Anja at binalik ulit ang tingin kay Alden, "okay lang ako, ikaw?"

I Was MaiDen For Loving YouWhere stories live. Discover now