Babysit ~ Thirty Six

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sira ka kasi. Kaya ka ata hindi kumakaen, dahil iniisip mo na baka tumaba ka o mataba ka pagkapanganak." Napasimangot ako sa sinabi niya.

"Hindi no! Gusto ko healthy ang baby ko, hindi parang kasing laki ng bentahing biik."

"Umayos ka nga Kia... unang apo yan nila mommy at daddy. Kaya for sure, mai-spoiled yan samin."

Dumating si Mameng Aida na may dala dalang tray. "Oh mag meryenda na muna kayo." Ipinatong niya ito sa center table. "Mag go-grocery lang ako. Maiwan ko na muna kayong dalawa dito."

"Oh sige Mameng. Mag iingat ho kayo." Pagkaalis ni Mameng, tumingin ako kay ate na seryosong nakatingin sakin. "Bakit ate? May problema ba?" Nakakunot kung tanong sa kanya.

"We'll be leaving tomorrow." She said in a serious tone.

"Okay." Napatingin ulit ako sa kanya ng ma-realize ko ang sinabi niya. "WHAT? As in WE??" Tumango lang si ate at uminom ng juice. "Ayoko!! Dito lang ako." Pagmamatigas ko sa kanya.

"Ciara... I will give you two options. You'll go home with me tomorrow, or I'll tell Hanzen the address here." Nasamid ako sa sarili kong laway sa sinabi ni ate.

"You can't just do that."

"Try me, Kia." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

"Bakit mo ba ko gustong pauwiin na?"

"Kasi nag aalala na kami sa'yo dito. Ang sabi ni Mameng... nagpunta daw dito yung fiancè ni Hanzen last week. Inaway away ka. Kia... baka depressed ka na dito. At least dun, pwede kang mamasyal. Or pwede kang mag punta sa company natin. Kung gusto ko magtrabaho ka na. Wag lang dito." Trabaho... trabaho... trabaho... yun naman talaga ang gusto ko.

"Sige. Sasama ako bukas. Pero... basta... ayokong may ibang makakaalam."

"Pwede ba yun?"

"Ah basta!" Nag crossed arms ako at tumingin sa malayo.

"Fine." Pagsukong sabi ni ate.

"One more thing." Sabi ko at nagkatinginan kami.

"What is it?"

"Gusto ko magkaroon ng sarili kong office sa company natin." Kumunot ang noo ni ate sa sinabi ko.

"Kia, bago ka pa grumaduate... pina-renovate na ni daddy ang magiging office mo. Ewan ko ba dun kung bakit hindi pa sinabi sa'yo. Hanggang ngayon, bakante pa rin yung office mo dun. May pangalan mo na nga eh." Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya.

"B-bakit hindi ko alam yun?"

"Surprise niya sana yun sa'yo, after the party. Kaso bigla kang nawala."

Gadd, I'm so stupid. Kung hindi pala ako naglayas... hindi ko sana makikilala si Hanzen. Hindi ko siya mamahalin... hindi magiging kami. Hindi nila ako masasaktan ni Xienna. Hindi sana ako mabubuntis... at pagsisisihan ko ng sobra kung hindi ako naglayas nung gabing yun.

Dahil nakilala ko si Hanzen... natuto akong mag alaga ng bata. Humaba ang patience ko. Nakilala ko sila Manang Lucia, Manang Celia at ate Susan na talaga namang hindi ako itinuring na iba. Minahal ko si Hanzen... natuto ako sa ibang bagay. Mas nag matured ako. Naramdam ko yung worth ko bilang babae dahil sa kanya. Nakaramdam ako ng sobrang saya, at eto nga... biniyayaan ako ng isang anghel.

Isa lang naman ang pinagsisisihan ko eh... yun yung hinayaan ko si Xienna na wasakin ang buhay ko.

(c) Eilramisu

I know maiksi siya. Pero babawi ako bukas. Promise. Pasensya na kung di ako nakapag update nung tuesday. Sorry po =3

 

Dami kasing assignments nna binibigay samin para sa next meeting. Naloloka na agad ako. Basta po iba-balance ko. Sisiguraduhin kong tapos ang HBs sa July.

Yung readers ko po ng MCS, susubukan ko din po siyang matapos sa July. Tiwala lang =]

Thank you po :))

 

29th Monthsary namin ng boyfriend ko. Batiin niyo naman ako. Lol <3

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon