Chapter 8: What Do We Mean

Start from the beginning
                                    

Gan: (dumilat) Masasanay din ako na makita silang sweet sa harap ko at masasanay din kayo na may iba ng nagpapasaya kay Mo.

Bree at Jhona: (sarcastic tone) Hoooooowkay!

Pare-pareho silang walang magawa kaya naisip nalang nila magmovie marathon sa hideout kaya pagkatapos ng pang-aasar kay Logan, lumabas sina Bree at Jhona para bumili ng makakain habang nanunood sila. Naiwan sina Pochee at Logan sa hideout.

Pochee: (ginising si Gan) Huy! Kausapin mo nga ako.

Gan: (dumilat, umayos ng upo) Tungkol saan?

Pochee: (tinuro yung dibdib ni Gan) Yan. Tungkol diyan.

Gan: Ha?

Pochee: (sinabunutan si Logan) Maang-mangan pa 'to! You know what I mean!

Gan: (inayos yung buhok niya) I have nothing to say.

Pochee: Kasi ayaw mo pag-usapan o kasi wala kang mafeel?

Gan: Ewan ko. Both?

Pochee: You know you can talk to me, right?

Gan: Alam ko. Salamat.

Pochee: Nag-usap na ba kayo ulit?

Gan: Tumawag siya one time. Hindi ko sinagot.

Pochee: Hmm... bakit?

Gan: Kasi pag narinig ko boses niya masasaktan nanaman ako.

Pochee: Akala ko ba nakamove on ka na?

Gan: Para sakin moving on is different from getting over. Nakamove on, oo, dahil hindi na ko umaasa. Tanggap ko namang wala na talaga eh.

Pochee: Pero di ka pa over kasi mahal mo pa?

Gan: (huminga ng malalim) Pwede naman 'to diba? Mahalin siya kahit iba na yung mahal niya? (teary eyed) Hindi ko naman sisirain kung anong meron sila eh. Hahayaan ko lang na ganito. And maybe... just maybe... one day I'll wake up na kaya ko na siyang tingnan sa mata ng hindi ako nanghihina.

Pochee: (kumapit sa braso ni Gan para icomfort) Sana makahanap ka na rin. Gusto ka na din namin makitang masaya.

Gan: I may get used to this, her not loving me, me not having her. But she is and will always be my great love, Poch. (bumuntung-hininga) The one girl I will never get over.

Pochee: I hope that's not true. Kasi lahat tayo deserve natin makatuluyan yung taong pinakaminahal at pinakamamahalin natin.

Gan: (may kinuha sa bulsa niya, nilagay sa kamay ni Pochee) Keep this.

Pochee: (binuksan yung box) Ito yung...

Gan: Yeah. Yung promise ring na binigay ko sakanya nung kami pa. I look at it every night and it reminds me so much of what I have lost. Nung isang araw ko pa iniisip kung anong gagawin ko diyan. Sayo nalang muna.

Pochee: Isangla ko kaya 'to... Charot!

--

Sa bahay nina Bryan...

Pochee: (kausap si Logan sa phone) Uy nasan ka na ba?

Gan: (while driving) Malapit na. Nasa gate na ko ng subdivision. Bakit ba nagmamadali kayo? Alas siete palang. 9 pa yung last full show.

Pochee: Eh bilisan mo na kasi nagugutom na kami. Dun na tayo magdinner sa mall.

Gan: Dapat kasi nauna na kayo. Pwede namang dun nalang ako sumunod. Ako nalang ba wala diyan?

Pochee: (pretending na choppy yung line) Hello? Gan? (inabutan ng supot ni Bree, ginusot gusot ni Pochee malapit sa mouthpiece ng cellphone niya para umingay) Ha? Ano? Di kita marinig. Ga... Gan... He... Hell... Hello... (ended the call, nakipaghigh five kay Bree) Bonggabels yung effects!

KTnxByeWhere stories live. Discover now