New Chapter

90 1 0
                                        

4 years later....

"Hello Philippines! Hello World!" panggagaya niya sa linya ni Toni Gonzaga sa isang programa sa telebisyon. Kakatunghay pa lamang niya mula sa eroplano at sinasamyo ang mapulusyong hangin ng Maynila.

Apat na taon. Apat na taon siyang nawala sa bansang kanyang kinagisnan. At ngayon, siya'y nagbabalik upang mag hasik ng lagim. Bwahahaha.

Kung anu-ano na ang mga pumapasok sa utak ko.

Bumaba na siya sa eroplano. Mabuti na lang at wala ng nakasunod na pasahero sa kanya, kung hindi ay mapagkakamalan na siyang baliw.

Paglabas ng airport ay naglakbay agad ang mga mata niya upang hanapin ang sundo niya. "Asan na kaya ang babaitang iyon?" Wika niya sa sarili. Sinuyod ng mga mata niya ang buong waiting area.

She scanned the whole place when suddenly she found a familiar face. Agad na bumalik ang mata niya sa particular na taong iyon. Hindi nga siya nagkakamali. Lander? Agad siyang nagkubli sa isang plant box na katabi niya. Anong ginagawa niya dito? Tanong niya sa sarili.

Aba'y malay ko. Magkasabay lang naman tayong dumating dito eh. Wika ng isang bahagi ng kanyang isip.

Naiinis na sinabunutan niya ang sarili. Ano na ang gagawin niya? Sinilip niya ito sa waiting area. Nandoon pa rin ang lalaki at mukhang may hinihintay. Paano na siya makakaalis sa kinatatayuan niya?

Muli niya itong tinitigan. Mukhang nag-iba na ang aura nito. Hindi na ito tulad ng lalaking nakilala niya na masungit at palaging nakakunot ang noo. At higit sa lahat, gwapo pa rin ito. Wala sa sariling napabuntong-hininga siya.

"Ang sarap mong pangarapin ulit." Wika niya. Pangarapin? Don't give yourself heartache, my dear. Baka nakakalimutan mo na kung ilang balde nang luha ang iniluha mo sa isang pag-ibig na puro ilusyon lang. Paalala sa kanya ng realistic na bahagi ng kanyang utak.

Noon niya na realize na may mali sa ginagawa niya. "Bat' nga ba ako nagtatago?" wika niya. Lumabas na siya sa pinagtataguan. Wala naman kasing dahilan para magtago siya. Nag move-on na siya. Tapos na ang hallucination niya.

O sige nga? Lapitan mo nga siya kung wala ka ng nararamdaman. Hamon nang mapanuksong tinig sa isip niya.

"Talaga." She said. She stepped forward to his direction. But before she took another step, she was caught dumbfounded when a beautiful lady grabbedLander, and without a single word, kissed him on the lips. Her jaw literally dropped. Gusto niyang mapamura sa nasaksihan. Gusto niyang mag-wala. Ang kapal ng mukha ng babae para gawin iyon kay Lander. At ang hinayupak! Hindi man lang nagpumiglas? Grrr...

O ano teh? Iyan ang patunay na may nararamdaman ka pa rin sa lalaking iyan. Bulong ng utak niya. Makapag-react selos na selos lang? Girlfriend teh? Girlfriend?

"Tumahimik ka nga." Wala sa sariling singhal niya sa mga tinig sa utak na lalong nagpapagulo sa estado ng isip niya. Kailangan na siguro niyang magpa-check up sa psychologist.

"Hoy!" sabay batok sa kanya ng isang kamay. "Hindi pa nga ako nag sasalita, pinapatahimik mo na ako."

Nalingunan niya si Neo. Bumuntong-hininga na lamang siya. "Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kaya kita hinahanap." Kunot-noong wika niya dito.

"Pasensiya na po kamahalan. Na-traffic lang po ako." Sarkastikong wika nito. She even curtsied to make it more dramatic. "E, ano bang tinitingnan mo diyan?" wika nito saka tiningnan din ang direksyon nila Lander.

Pero wala na ang mga ito roon. Nakahinga naman siya ng maluwag. "Hinahanap kita doon, kaya doon ako nakatingin." Palusot niya.

"Hinahanap mo ko doon? Pero nakatago ka sa plant box? Hide and sick ang peg teh?" Natatawang wika nito.

"Alam mo, gutom lang iyan." Wika niya dito saka tinulak papunta sa kotse nito bitbit ang maleta sa isang kamay.

"Alam kong gutom ako. Pero mas malala yata ang lagay mo sakin." Wika nito saka pumalatak.

"Tse!"


I'm in love with Dr. Pogi *Tadhana*Where stories live. Discover now