DAHIL sa sulsol ng dalawang pinsan ni Raie ay ikinuwento niya ang nangyari sa pagitan nila ni Rafael bago siya makarating sa simbahan kahapon kapalit ng mga impormasyon tungkol dito.
Tatlong bahay lamang pala ang layo ng bahay ng lalaki sa kanila. Madalas din itong customer sa karinderya ng kanyang tita kaya naisipan niyang ipagluto ito ng madalas nitong kainin, na ayon sa mga pinsan niya ay beefsteak. Kaya ngayon ay iyon ang kanyang dala bilang "props" at dinagdagan pa niya ng kape at kanin.
Nakangising naglakad si Raie papunta sa bahay ni Rafael. Ngunit napalitan iyon ng ngiwi nang ilang beses na siyang tumatawag ngunit wala pa ring lumalabas na tao mula sa loob. "Mali yata ang timing ko."
Sinubukan niyang buksan ang maliit na gate at agad naman iyong bumukas. Sumilip muna siya at baka sakaling may tao ngunit wala siyang natagpuan. Sa halip isang munting garden na punong-puno ng maraming bulaklak ang kanyang nakita. Tila inaanyayahan siyang pumasok ng mga bulaklak kaya pumasok siya—nang walang pahintulot mula kanino man.
Inilapag ni Raie ang kanyang mga bitbit sa isang mesa sa porch saka tila bubuyog na inamoy ang mga bulaklak. "Ah, ang bango!"
"Sino ka?"
She was about to pick a white rose when she heard that voice. Hindi na kinailangan ni Raie na lumingon pa dahil kilala niya kung sino ang nagsalita. She readied her smile as she turned to face him. But no words came out of her mouth as she stared into his eyes. Wala itong suot na salamin ngayon.
"Have you lost your tongue woman? Who are you?"
Tila nasamid siya nang matauhan.Talk, Raie. Don't just stare at him. "H-hindi mo ba ako natatandaan?"
Tumaas ang kilay ni Rafael. Cute. "Sa tingin mo tatanungin ko pa kung sino ka kung kilala na kita?"
Sungit naman. "Ako si Raie, iyong babae kahapon," pagpapakilala niya sa sarili. "Ikaw si Rafael, 'di ba?Iniligtas mo ako kahapon."
Bumakas sa mukha nito ang rekognasyon. "Ah! Ikaw 'yong babaeng naglalakad nang wala sa sarili kahapon."
Napangiwi siya sa pagkakaalala nito sa kanya. "O-oo."
"Bakit narito ka? Hindi mo ba alam na trespassing ang ginawa mo? Maaari kitang kasuhan dahil sa pagpasok mo sa bahay ko nang walang permiso."
The lawyer's talking. Nalaman ni Raie sa kanyang mga pinsan na isang abogado si Rafael. In fact he ranked seventh place when he took the bar exam. Isa si Rafael sa senior partner ng law firm na itinatag ng lalaki at ng mga partner nito na kapwa abogado. Noong una ay hindi niya mapaniwalaan na isa itong abogado. Kakaiba kasi ang lalaki at tila wala sa hitsura ang pagiging isang manananggol. Maliban na lang sa pagiging mukhang masyadong seryoso at pagiging masungit.
"Kasi, tumatawag ako kanina kaso walang sumasagot kaya pumasok na ako."
"That is not a valid excuse. You should know that—"
"Okay!" Itinaas ni Raie ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. "I'm sorry. Hindi dapat ako pumasok sa bahay mo."
Humalukipkip si Rafael at naglakad patungo sa porch. "Kung maaayos ng sorry ang lahat ng bagay sana hindi na ginawa ang batas."
Napakamot siya ng ulo. This is one stubborn man. "You'll sue me then?"
"I can, if I want to."
Naglakad din siya palapit sa lalaki. "Okay, but before that I just want you to know I cooked breakfast for you, Attorney." Iminuwestra ni Raie ang pagkaing dala na inilapag niya sa mesa. "And thank you for saving my life again." Tinapik niya ang balikat ni Rafael at bago pa ito muling makapag-react ay nilayasan na niya.
YOU ARE READING
Superman's Trespasser (soon to be published)
RomanceSuperman's Trespasser by Honey Villa
