"Diretsahin mo na lang."

Napatitig siya sa cellphone niya. "Paano ba? 'Hi, Geoff! I'm pregnant. You're the father! Congratulations! Puwedeng panagutan mo 'ko?' puwede na ba 'yun?"

Natawa si Jona. "Puwede!"

Zoey chuckled. "Sige nga. Text ko siya. Wait lang."

Hi, Geoff! Busy? :)

Hindi ganoon katagal ang hinintay ni Zoey dahil nag-reply agad ito!

Hello. Kind of busy. It's a tight day for me. Why? :)

Kinikilig si Zoey sa smiley rin nito sa text. Na-imagine niya ang naughty grin nito.

Hihihi. Ano ba naman 'yan! Namomorblema na dapat ako dahil baka hindi ako panagutan nito pero kinikilig pa 'ko!

I just want to say something. But... sasabihin ko na lang kapag hindi ka na busy.

She sent her message. Hindi agad 'to nag-reply. Baka tuluyan nang naging abala.

Napatingin si Zoey sa orasan. Tanghali pa lang. Puwede pa siyang pumasok sa trabaho para ma-monitor ang restaurant at gumawa ng daily report.

"Jona, papasok muna ako."

"Sigurado ka? Magpahinga ka na lang, Zoey."

She beamed and jumped off the bed. "Don't worry! I'm okay. Sabi rin ng OB, my baby's healthy. Puwede pa naman ako mag-work. Saka kasi, baka i-report ni Joyce kina Ate Trisha na hindi ako pumapasok. Tatawag sila Ate sa'kin kapag ganoon..."

Nakaiintinding tumango si Jona. Naligo na lang ulit si Zoey at pagkatapos ng isa at kalahating oras ay nasa Zoey's na siya. Masigla niyang binati ang lahat ng staff. Ganoon din ang mga ito sa kanya.

As usual, maraming tao ang restaurant. Mga turista karamihan.

Dumiretso siya sa opisina niya at nag-meeting sila ng assistant manager at ng head chef sandali. Asukal pa rin ang problema nila. Hindi pa rin nagpapadala ang supplier nila.

"Puntahan niyo na kaya sa main office nila?" she suggested. "Or ako na lang ang pupunta. Ibigay nyo na lang sa'kin ang address."

"Sigurado ka, Zoey? Eh, halos apat na oras po ang biyahe papuntang Echague."

"Sure! Kaya ko 'yan. Para maayos na 'to."

Mabilis naman na tumalima si Joyce at binigay ang hiningi niya. Dito niya na lang pinagawa ang report at saka siya lumabas ng restaurant. Kailangan na kasing maayos iyon dahil marami silang pagkain sa menu na kailangan ng asukal.

Tinawagan niya si Mang Noel upang magpasundo. Habang hinihintay ito ay may nakita siyang matandang babae na naka-duster na green at may dalang bayong na puno ng mga gulay. Nakatayo ito sa harap ng restaurant at nakatingin sa menu na nasa labas.

Lumapit siya sa matanda. "Naimbag a malem!" bati niya sa wikang Ilocano. 

Sa loob ng dalawang buwan ni Zoey ay mga basic greetings pa lang ang natutunan niya sa wikang Ilocano. 

"Pasok po kayo sa loob, Lola."

Nahihiyang ngumiti ang matanda. "Nako, huwag na. Wala naman akong pangkain." Nawala ang ngiti ng matanda at napayuko. "Kakaiba na ang mundo ngayon, ano? Aba'y kanina lang ay nawala ang wallet ko. Hindi ko alam kung nalaglag ko ba o nadukutan ako."

Indulgent Geoff (TTMT #3)Where stories live. Discover now