Today is the day. First and last canvassing mamayang gabi at pinangako ko saking sarili na kahit ano paman ang maging resulta ay malugod kong tatanggapin na walang pinagsisihan dahil alam ko na merong magandang kapalit ang lahat ng ito. Fiesta! Speaking sa nasabing okasyon,ang pera na mapupunta sakin ay magagamit ko panghanda at higit sa lahat,mapapadalhan ko ng panguwi ang aking panganay na kapatid kasama ang kanyang anak na alam ko ngayon palang ay sobrang excited na,at gayon din naman kami lalo na si mama na nasasabik makompleto kaming pamilya.
buzz.buzz.
Naramdaman ko agad ang vibrate mula sa cellphone na nakapatong saking dibdib habang ako ay nakatihaya sa mahabang upoan sa labas ng sala at kaagad kong binasa ang mensahe na galing sa kaibigan kong si Ysa at ayon dito ay may nahanap na silang kasuotan na maari kong pagpilian para sa event na gaganapin mamaya. Casual dress ang code ng attire sa gabi ng canvassing kung kaya't minabuti ko ng manghinge ng tulong saking ala fashion designer at kumare kong si mads Ysa na kaklase ko na simula elementary hanggang highschool.
Reply message:
To mads Ysa- Thankyou mads. I'll be there @ 1,see you. :-)
From mads Ysa- No worries. Seeyha later.:-)
"Ma,kukunin ko lang po yong dress na gagamitin ko mamaya ha?" habang nagmamano sa kamay nito.
"Ingat nak,uwi ka ng maaga."
Ngumiti lamang ako at nagumpisa ng tumungo sa sakayan kung saan andon narin si mimi nakaabang sa akin dahil sa pag pupumilit nitong sumama upang personal na makita ang mga materyal na gagamitin ko mamaya. Maluwang itong nakangiti na kumakaway pa ang isang kamay nito sakin.
"Wow ha,mukhang mas excited kapa yata sakin." Natatawa kong puna dito
"Syempre. Iniisip ko lang kasi kung ano ang magiging hitsura mo mamayang gabi kaya excited na ako,tara na dali." Habang hinihila ako pasakay sa trycikel.
"Nakakahiya mang umamin pero ako din hindi na ako makapag antay gumabi." At tawanan nalamang kami ni mimi.
Sa matulin na pagpapaandar ni manong sa kanyang motor ay isang imahe ng pamilyar na anyo ang aking nakita,ngunit hindi ako sigurado. Para bang gusto kong patigilin ang makina ng motor at bumaba upang siguradohin kung tama ba ang aking nakita o namamalikmata lamang ako.Nang sa wakas ay tumigil nanga ang sinasakyan namin at pumarada na sa harapan ng isang bakal na gate.
"Manong oh,bayad ho. Sa susunod paki dahan-dahan lang po ng pagmamaneho." Deritso kong sabi sa driver
Ngumiti lang si manong at kaagad naring umalis at ang nakakainis lang kung kelan wala ng sakay tsaka naman nagpaandar ng katamtamang tulin lamang.Hindi ko maiwasang mapataas ng kilay at muling binalikan ng tanaw ang isang bahay sa di-kalayuan kung saan para bang may nakita akong kakilala.
"Sey!!!" Malakas na sigaw nito sa akin na dahilan upang ako ay mapalundag sa gulat at napahawak nalamang ako sa dibdib.
"Mimi naman nakakaiinis kana.Hindi nakakatuwa yang panggugulat mo sakin ha,alam mo ng nerbyosa ako gusto mo naba akong mamatay?" Well,hindi galit pero seryoso nakakaasar na talaga tong si mimi na ginagawa nalang joke ang lahat. Mataray kong sabi dito na parang hindi naman natinag sa aking mga salita.
"Patay agad? Diba pwedeng atake muna?Haha.Alam mo ba kung bakit ko ginawa yon?" Nakataas kilay habang nakapamewang ito saking harapan "Kasi your being weird nanaman my dear friend,at yong kay manong anong problema? Tapos bigla ka nalang matutulala jan."
"Alam mo mimi tara na." Upang maiwasan ang maraming katanongan lumakad na lamang ako sabay hablot sa kamay nito papalapit sa harap ng gate na kaagad namang bumukas at ang nakangiting si Ysa ang tumambad saming harapan.
YOU ARE READING
ILan ang Puso mo?
RomanceSabi don sa post na nabasa ko,ang bawat tao ay may iisang puso.Kung nararamdaman mong nagmamahal kana ng higit sa isa i'Wikipedia mo na kung anong uri ng nilalang ka!? "Inigo Gabriel Lim". Galing sa kilala at nirerespetong pamilya. Sabi ng mga baba...
