Episode 1 || First HeartBeat

ابدأ من البداية
                                    

                 "No Worries" wika nito at sabay yakap sa likod nito. " I know kung gaano ka dedicated sa Showtime, you treat them like a second family, Masaya ka sa work mo at masaya rin ako pag masaya ka."

                 Na touch siya sa sinabi nito, hinarap niya to sabay pinulupot ang braso sa leeg ng binata. "Napaka swerte ko naman sa naging boyfriend ko, gwapo pa at supportive" 

                his smile widen. "Oh yeah? Baka biglang matisod ka at tumingin ka sa iba?"

                She touches his face then whisper. "Never."

                "Hmm.. promise?"

                "Promise." then she sealed it with a kiss.

end of Karylle POV.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SHOWTIME HALLWAY

                      "AYY! Karylle Dahan-dahan!" napatili si Vice ng matisod sa harap niya si Karylle, buti nalang nasalo niya ito at agad na tinayo. Nang alalayan niya ito tila napaso itong napaatras and in a split of second merong fear na dumaan sa mata nito. 

                      "V-Vice!" nautal na wika ng dalaga ng makilala siya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.

                      Napasunod rin siya ng tingin sa sarili, kumunot ang noo niya at binalikan ng tingin ang dalaga. "Bakit?" at namaywang siya.

                      "You looked Manly today." amazed ng dalaga sa kanya.

                      Inabot niya ang kulot nitong buhok sabay hila. "Bruha ka, I'm a WOMAN!".

                      Napailing ito, at biglang lumaki ang mata. "Alam ko na kong anong itatawag ko sayo, simula ngayon"

                      "Ano?" na curious na tanong niya.

                      "Vice Pogi!" 

                      Nanghilakbot siya. "Yuck K! Yuck!" yakap sa sarili, magsasalita sana ang dalaga  pero iniwan na niya ito, alam niya na kung saan papunta yong usapan nila, meron na naman itong i o-offer na babae na i meet daw niya. Di talaga matigil tigil ang kulot na yon na gawin siyang lalaki, at ilang beses narin niya itong sinabihan na di na ulit mangyayari yon.

 End of Vice's POV.

-------------------------------------------------------------------------------------------

                      Napahawak si karylle sa dibdib niya ng masigurong wala na si Vice sa likod niya.What the hell just happened?. She fell her heart, ang lakas ng tibok nito -- diniinan niya ang kanyang palad sa kanyang dibdib to minus the beat kasi kahit siya naririnig niya ang bawat pag pintig nito. Coffee.. to much coffee. wika niya sa sarili at pinalis sa isipan ang nangyari.

End of Karylles POV

---------------------------------------------------------------------------------------------------

                         Pag kapasok na pagkapasok ni Vice ay agad niyang hinubad ang sombrero at ang kanyang Black tshirt na may nakalagay pa na Disaster, meron nalang siyang 1 hour para mag ayos ng sarili, agad siyang inabutan ni Archie ng brown Longsleeve na ikinunot ng noo niya.

                         "Ano to?"

                        "Damit" pilosopong sagot ng bakla niyang stylist.

Beautiful Disaster || Untold Stories || Vicerylle Storyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن