"Eh kasi naman Julie napaka-tanga mo talaga! Matagal ko na nga sinasabi sayo na pera lang habol sayo nung gagong ex mo, tapos ngayon ikaw tong iiyak-iyak. Magtigil ka nga!" galit na sabe saken ni Dianne.
"Kasi nga mahal ko siya! *sobs* Kahit na ganun siya sakin, kahit papano nararamdaman kong mahal niya ko." sabi ko sa kanya habang patuloy akong umiiyak. Muli niya kong tinignan tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Ano ka ba naman! Paano mo nasabi na mahal ka non? Kapag ba nanghihingi siya sayo ng pera, saka ko mo lang masasabi na mahal ka niya? Ha? Ganun ba yun Julie?" tumigil siya para uminom ng juice saka siya muling nagsalita, "Hay nako, kung bakit sa dinami-dami ng lalaking pwede mong jowain, bakit ayan pang walang trabaho at mukhang hindi kayang magsipag sa buhay ang nabingwit mo? Marami naman lalaking mas deserving sa beauty mo, tapos dun pa talaga sa kanya napunta. Hay nako Julie." aniya habang umiiling pa. Halatang hindi niya nagugustuhan yung mga pinaggagawa ko.
Natahimik ako sa sinabi niya. May punto siya, maraming lalaki ang mas deserving sakin pero doon ako napunta sa isang walang kwentang lalaki. Nakakahiyang isipin pero, talagang mahal ko siya. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil magaling siyang mambola.
Hindi naman ako iiyak ng ganto kung dahil lang sa pagiging walang kwenta at pagiging hayup niya. Actually, may iba pa. Nahuli namin siya ni Dianne sa isang kainan malapit sa trabaho namin. Ang akala ko pa naman ay pupunta siya doon at itetext niya ko para sabihin na sabay kami kumain pero hindi! Nakita namin siya na may kasamang iba. At ang walang hiya talagang colleague ko pa ang jinowa. Kaya sa sobrang frustration ko, lumapit nako sa kanila at saka ginawa ang dapat.
Simple lang naman ang ginawa ko. Dala kong ang isang gunting. Yes, gunting. At saka pumunta sa walang kwentang lalaki na yun, ginupit ang kanyang damit, pati na rin ang short at sapatos. Kinuha ko rin yung relo at cellphone na binigay ko sa kanya 2 months ago. Oo, binigyan ko siya nun, pati na rin yung damit na ginupit ko sa kanya, lahat sa akin nanggaling. Sinong hindi maiinis, gagamit niya talaga yun para lang makipaglandian sa iba?! Hindi pa ko nakuntento kaya pati katrabaho ko ginupit ko na rin ang damit. Nakakainis! Mamamatay na sila pareho!!
"O bakit mukhang galit na nangangasim yang mukha mo ngayon? Tapos ka na bang magdalamhati sa namatay mong pag-ibig, ha Julie?"
"Tumigil ka nga, Dianna Marie! Hindi pa ko tapos magdrama, saka kaya ako nagagalit dahil dun kay chelsea na yun! Aba, kapag nakita ko pa ulit yung babae na yun sa opisina, makakatikim na talaga siya!!" gigil kong sabe kay dianne. Aba, at ang luka walang kabuhay-buhay niya kong tinignan. Ganun lang reaksyon niya saken?
"Alam mo, kesa sumabog ka diyan mas mabuti pang idaan na lang natin to sa konting kembot at inom. Tara na magbar na tayo. Tutal eh wala tayong pasok bukas" pag-aya niya saken. Wala na rin akong nagawa kaya nagpatianod na rin ako sa kanya. Siguro kailangan ko munang kalimutan yung nangyari saken sa gagong yun.
Siguro kailangan ko na din maghanap nang bago, yung talagang may makakapantay sa mga standards ko.
YOU ARE READING
Loving You
RomanceEndless Love #1 || Loving you is all I ever wanted. Can you also do that for me? Started: Nov. 29, 2015 -
