Ngayong araw na ito

Start from the beginning
                                    

Ang problema ko noon

na tinatakasan ko dati pa

nawala dahil dumating ka.

Kaso, ang problema ko noon

ay nakahabol na sakin

ngayon.

Di ko alam kung ano nang gagawin ko

dahil wala akong mapagsabihan ng saloobin ko

ng nararamdaman ko

ng problema ko

na nararamdaman ko sa loob ng aking isip at puso

dahil lahat ng iyon

ikaw lamang ang napagsasabihan ko non.

Kaya ngayon di ko na alam ang gagawin ko

para mapagaan ang bigat na nararamdaman ko
ngayong araw na ito.

Nababaliw na ako nang dahil sayo

dahil di ko alam kung ano ang gagawin ko

sa problema nating dalawa.

Humupa na ang galit ko

pagkatapos kong magpalamig ng ulo

handa na akong kumausap sayo.

Pero nung okay na ako,

ikaw naman ngayon ang nagkaganoon

nakadama ng galit

ng sakit

na nababatid ko na noon

na matagal mo na ring tinatago iyon

at ngayong araw na ito

nalaman ko na naranasan mo rin ang bigat ng pakiramdam ko.

Di mo alam ang pinagdaraanan ko

gayun din ako sayo

kaya siguro nagkaproblema tayo

naging ganito at lumala lalo

dahil pinabayaan natin

kasi di natin alam ang ating gagawin.

Kaya bahala na lang kung sino unang kikilos

kung sino mauuna na makikipag ayos

at magsabi ng "patawarin mo ako

sa lahat ng nasabi ko

sa mga nagawa ko

na nagpasakit sa iyo

at bumaklas sa iyong puso

at naipasa ko sayo ang bigat ng pakiramdam ko

kaya ka nagkaganto."

O kung sino ang mauunang bibitaw

sa ating dalawa.

Hanggang dito na lang muna ako

di pa ako tapos at di rin pa tapos ang pagkakaibigan natin.

Dahil naniniwala ako

na magkakaayos din tayo.

Abangan mo ang susunod na susulatin ko para sa iyo

na sana mabasa mo

ngayong araw na ito.

Dahil ang bigat ang pakiramdam ko

nang dahil sa iyo,

nang dahil sa naiisip at nararamdaman ko.

Pero sana mapatawad mo ako

at wag kang lalayo

at aalis sa tabi ko.

Nagmamahal,
ang kaibigan mo










Liham/Letter.Where stories live. Discover now