*Special Chapter*

Magsimula sa umpisa
                                    

Katatapos ko lang maligo... good thing, pupunta dapat ako nun kay Riley para i-check siya. Dun ko nga narinig ang doorbell. Nagmadali ako sa pag bukas ng pinto. Nawala sa isip ko na naka towel lang ako. Kaya napangiti ako sa kawalan.

Naabutan ko ang isang babae na nakatingin sakin... hindi pala, nakatingin pala sa abs ko. Maganda siya... at ang lakas ng sex appeal. Mahihiya na dapat ako sa itsura ko... pero ng dahil sa mga tingin niya sakin, parang pakiramdam ko tumaas ang level ng self-confidence ko. Nakangiti pa rin akong lumapit sa gate para pagbuksan siya. Hindi ko alam kun naka plastered na ba ang mga ngiti ko. Hindi ko kasi maiwasan na maging poker face sa aura niya. Gusto kong tumawa nung nakita ko siya na pinapaypayan ang sarili niya at bigla na lang noyang pinunasan ang baba niya. This girl is titillating.

"Miss. Yung gate." Nakahawak kasi siya sa may gate, baka pagbukas ko bigla siyang sumubsob.

Hindi ko alam kung bakit para siyang bigla na lang napaso na napabitaw sa gate. Sa hiya siguro.

"S-sorry. Ang init pala dito no? Hooo." Hindi ko alam kung bakit siya naiinitan. Medyo malamig pa ang hangin, mag Fe-february pa lang kasi. Natawa na talaga ako sa kanya. There's something about her...

"Haha, hindi naman. Teka, you are?" Gusto kong malaman ang pangalan niya. Basta... gusto ko lang.

"Ciara Maria Elizalde at your service Sir!" Elizalde... hmm, sounds familiar.

"And?" I wanna know something about you that makes my heart jump in excitement, better than knowing your name.

"Nina Lopez recommend me as your new babysitter." ALRIGHT!! Bakit ko nga ba nakalimutan na tumawag sakin si Nina kagabi at sinabing anytime, dadating ang kapalit ni Nurse Rina.

"Ah, ok! Come in." Baka kasi hindi siya maging komportable kung ititiwangwang ko lang ang katawan ko sa labas. Mabuti ng nasa loob kami.

Simula nun, naging panatag na ang loob ko na isang mabuting babae ang mag aalaga kay Riley. Napapadalas ang uwi ko sa galing trabaho dahil nagkaroon ng problema sa shipping.

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko gustong gusto ko ng umuwi sa bahay. Kahit hindi na matapos ang inspection sa mga shipping lines. Basta nandun lang ako.

Hanggang sa mangyari ang hindi dapat inaasahan. Nagulat ako sa sarili ko nung gabing yun. Hindi ako naging ganun ka-aggressive kay Xienna. Pero hindi ko kasi maipaliwanag ang naramdam ko kay Ciara nung gabing yun. Kakaiba eh. Sobrang kakaiba. Nalaman ko na virgin pa pala siya. Napahinto nanaman ako... hindi dahil sa nagagalit ako sa sarili ko dahil ako pa ang nakauna sa kanya, na kinuha ko ang iniingatan niya na siguro... sa lalaking mahal niya ibibigay. Pero para kong tanga na gustong magtatatalon, dahil sakin niya ibinigay yun. Kabaliwan na siguro... pero yung ang nararamdaman ko. Hindi ko siya pinilit... kusa niyang ibinigay, at hindi ako ipokrito para hindi matuwa.

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon