Nag inuman na tong mga kasama ko habang nilalandi sila ng mga dala nilang babae.

Ako? Wala sa mood. Nandito ako sa labas malapit sa pool.

Tinitignan ko yung kabilang penthouse kasi bukas yung ilaw. Ako sarado sa loob lang ng condo bukas kase wala kaming balak mag swimming.

Ok tingin tingin.. kung sinuswerte ka nga naman nakita ko si Diane kaso bakit kasama niya yung Enzo ba yun?

Oo tama enzo. Siya yung nakipag usap sa akin bago mag race. May bitbit sila parehas na alak tapos nakatayo sa may terrace.

Pero yung kamay ni Enzo nakalagay dun sa steel ng terrace kaya parang yakap niya si Diane. Gets niyo ba? Ah basta yun.

Bakit ganito pakiramdam ko? Nag seselos ba ako? Tss. Hindi pwede. Pinanood ko lang sila.

| ENZO'S POV |

[First time ba? =)) More on Diane and Fred POV po kasi tayo mga mahal kong readers]

Wow first time. Nagka POV din ako. Ako nga pala si  Enzo P. Carlos well oo aminado ako gwapo ako. Totoo naman kasi. Member ako ng Team Crest. 3rd sa pinakamagaling sa karera. Syempre una si Diane, ang boss ko.

Magkakilala na kami ni Diane and Red dati pa. Kami ang gumawa ng Team Crest.

Nililigawan ko yan si Diane kaso ayaw akong sagutin. Di ako chick boy. Hindi din playboy.

Wala akong girlfriend pero madaming nangliligaw na babae sa akin. Si Diane lang ang nag iisang babae na niligawan ko at ayaw akong sagutin. Di ko alam ang reason kung bakit.

Nandito kami ngayon sa condo ko para I celebrate yung pagkapanalo ni Diane kanina sa race. nagulat talaga ako nung hinalikan ni Diane yun si Fred.

Di naman ganyan yan nung nasa England yan e. Ewan ko ba. Kaya todo bantay ako dito kay Diane e.

Pumayag lang ako uminom siya kasi pumayag siya na ihahatid ko. Dahil sigurado ako lasing na naman yan.

Nasa terrace kami na dalawa yung iba nasa loob nag lalaro ng ps3 yung racing. Mga di pa nakuntento may sarili naman na auto.

May party din ata sa penthouse ng building 2 pero sa loob. Ayos walang makakakita sa amin ni Diane.

Pwesto naming naka dungaw dun sa pool sa baba. May pool kasi sa pagitan ng building 1 and two. Nakalagay yung kamay ko dun sa kabilang part ng terrace para wala siyang kawala. Haha!

“Diane, ano kelan mo ba ako sasagutin?” ako

“No Enzo, it’s a no.” Sagot ni Diane.

Grabe parang gusto ko basagin yung bote na hawak ko. Pero bigla siyang humarap sa akin. Then her arms around my neck.

 Nakasandal na siya dun sa terrace nakaharap sa akin. Pero parang may tao na nakatingin sa amin from building two kasi may nakikita ako na nag yoyosi. Di ko na lang pinansin.

“I rather be your bestfriend forever than your ex girlfriend in the future.” Yan yung sinabi niya sa akin then she hugged me. I hugged her back. Siguro for 3 minutes kami ganto ang position.

“I understand” yan lang sinabi ko nung tinangal na niya arms siya sa akin.

“Hoy kayong dalawa! Ano na naman bang drama yan?” Red

Epal talaga nito ni Red. Kung di lang kanang kamay ni Diane to matagal ko na nasapok to e. Panira ng moment namin ni Diane.

Moment? Parang salitang bakla yun a? Ayos lang si Diane naman kasama e.

Pumasok na kami sa loob na nagtatawanan naka akbay siya sa akin. Abot niya ako ngayon dahil naka stiletto siya. Around 5am na din nag uwian na yung iba.

Ako hahatid ko si Diane sa condo niya. Gamit auto ko. Sabi ko dadalhin ko na lang baby niya bukas sa condo niya. Oo buti pa auto niya baby tawag sa akin Enzo lang.

Pumayag na ako sa gusto ni Diane na friends lang. Pero di ko siya iiwan. I’ll try my best to move on. Hay! Nahatid ko na siya sa condo niya. Ayun tulog agad. Lasing yun di lang sinasabi.

 Umuwi na ako para matulog din kase wala pa kami tulog ng Team Crest. May pasok pa kami ng 2pm bukas. 

 ----------------------------------------

Thank you for reading!

Vote & Comment!

Mox♥

All Rights Reserved 

My girlfriend is THE BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon