-----17th string-----

Start from the beginning
                                        

“Ang sama mo!”

“Please.. Don’t pursue your evil plans.”

“Hoy Vano, ako’y tigil-tigilan mo ah. Bagong gising ako kaya wag mo kong ginagalit.”

“Buti ka nga bagong gising e. Ako hindi man lang nakatulog.” Sabi nya habang inaayos ang hinigaan nya.

“HUH? Bat naman di ka natulog?”

“Because of you.”

“Bat ako na naman sinisisi mo? Inano ba kita ha!?”

“You... you.... ugh.”

“Ano?”

“You...” bakit parang.. namumula sya?

“ANO!? Sabi agad!”

“Ugh! Nevermind!”

“Bat ka ba nagagalit dyan ha?”

“I’m not mad!”

“Galit ka! Ikaw na nga tong nanlalait dyan ikaw pa ang galit!”

“Ugh.. Sorry.” O.o

“Bahala ka nga dyan.” Sabi ko tapos lumabas ng kwarto. Nakakainis. Parang aning lang. Bigla-bigla nagagalit. Ako pa sinisisi sa hindi nya pagtulog. Pero... Totoo kaya yun? Na wala syang tulog? Bakit naman kaya? Problema nun? Ayy bahala sya sa buhay nya. Basta ako, magluluto ng masarap para kina tita. HAHAHAHA >:))

Bumaba na ako at dumeretso sa kusina... Hmmm. Ano kayang lulutuin ko?

Naghalungkat ako sa kusina. Ayun! Eggs and hotdogs! HAHAHA tama yun na lang. Pag nagtrying hard pa kasi ako, baka pumalpak pa ang operation paggoodshot ko. Simpleng breakfast na lang.

Kumuha ako ng kawali, binuksan ang apoy at nilagyan ng mantika. Nilaksan ko na agad yung apoy para mabilis maluto, baka kasi magising na sina tita e. Kumuha ako ng isang itlog, itinapat sa kawali. Medyo malayo ang distansya namin ng itlog sa kawali kasi baka biglang magfeeling fireworks yung mantika e. Takot akong matalsikan. >.<

So ayun nga, pagkahulog ng itlog...

“ARAYYYYYYYYYYYYYYY!” takte naman oh! Nagfeeling fireworks nga yung mantika! Nabitawan ko tuloy yung half ng shell at nakasama ng piniprito kong itlog. HALAAAAA Pano ko ba kukunin yun?

Kinuha ko ulit yung tinidor at sinubukang sungkitin yung shell...

“ARAYYYYYYYYYYYYY! WAAAAAAAAAAHHHHHH!” ang sakit! May tumalsik na mantika sa ilong ko! >.<

“Hey, you alright?” – Ivan.

IVAN’s POV

Hanggang ngayon, hindi ko matanggap na wala akong tulog. Bakit? Simple lang naman.

*Flashback*

Time Check: 3:47am. Heck. I still haven’t fallen asleep. Yung kisame namin, tunaw na yata sa katititig ko. Si Faye naman, singhot pa rin ng singhot. It seems she’s still awake. Wala bang balak matulog ang babaeng to? -____-

After 15mins, napansin kong tumigil na sa pagsinghot si Faye. Tulog na kaya yun? Bumangon ako at sinilip sya...

Nakanganga. Well then, tulog na nga sya. Siguro naman makakatulog na din ako. I closed my eyes...

“Hoy... Hindi mo ba ako narinig?*hik* Sabi ko gusto na kita Iv...”

“You’re just drunk.”

“Ayaw mo maniwala?*hik*”

“Ang ligalig mo.” Tapos tumayo na ko. Baka mamaya... Madala ako sa mga sinasabi nya.

“Hoy san ka pupunta?*hik* Babaliwalain mo na din ba ako gaya ng ginagawa sakin ni Zeke ngayon?*hik*” sabi nya habang hawak nya ulit ang kamay ko.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now