“Aba dapat lang. Kailangan magaganda at mga gwapong nilalang lang ang mapabilang sa angkan natin.” – Kuya Kevin
“Wag nga kayong magulo dyan. May boyfriend na nga yung tao e.” – kuya Bryle
“Iinom na natin yan bunso.” – kuya Lance
“Ilabas ang empi!” – kuya Kevin. Right. Mukang pagtitripan na naman ako ng mga to.
“Kayo na lang. Wala ko sa mood uminom ngayon.”
“Oh cmon dude. Sawi ka e. Let’s drink to that.” – kuya Vince
“No thanks.”
“Ibig sabihin ba nyan bunso, nakamove-on ka na kay Blaire?” – kuya Bryle. Hindi pa nakuntento. Inungkat pa ang nakaraan ko. -_-
“Yeah.”
“Talaga?” – Kuya Bryle
“Kuya Ivan, kuya Ivan! Sali naman kayo sa games!” – Tim. Nangungulit na yung mga nakababata kong pinsan. -_-
“Ano bang laro?”
“Newspaper dance po.” – Tim
“Ayun o. Sali ka na bunso. Partner mo si Faye.” – Kuya Bryle. Nagsimula na nga sila. -_-
“Ayoko.”
“Dali na pre.” – kuya Vince
“Ayoko.”
“Sumali ka na kundi...” – kuya Kevin
“What?”
“Sasabihin namin sa kanyang gusto mo sya.” – kuya Bryle. Sabi na nga ba. -_-
Isang beses lang at isang tao lang naman ang kinausap ko tungkol sa bagay na to, oo si kuya Bryle. Ewan ko ba kung bakit ngayon, alam na ng buong angkan namin na may nararamdaman ako para kay Faye. Pati sina mama, sumakay sa kanila. Boto na daw sya kay Faye kahit sa mga kwento ko pa lang nya sya nakikilala. Oo, close ako sa mama ko. Open ako sa kanya tungkol sa lahat ng bagay, pati na tungkol sa mga babaeng nagugustuhan ko.
“Fine.”
Tumayo ako at lumapit sa kinaroroonan nina ate Bea.
“Let’s play.” Sabi ko sa kanya.
“Haa?” - Faye
“Newspaper dance.”
“Naks naman Phil! Dumidiskarte ka ah!” – ate Bea
Hindi ko na sya hinintay sumagot. Hinila ko na lang sya sa unahan. Wala namang choice e. Pag hindi kami sumali, lagot na. Nung nakita nina kuya Bryle na sumali kami, sumali din silang apat. Sina ate Bea naman nakisali na din. Hindi maganda ang kutob ko ah.
Nagsimula na yung laro...
Ayos naman. Walang kaproble-problema hanggang sa yung isang paa ko na lang yung kasya. Kaming mga nakatatanda na lang ang naiwan. Ewan ko ba sa mga batang pinsan ko, maliliit pa naman hindi pa mapagkasya ang sarili sa dyaryo. -_-
Nung tumigil na yung tugtog, walang sabi-sabing binuhat ko na si Faye sa mga braso ko. Yung apat na lalaki, nanout na. Sina ate bea na lang.
“3....2....” Bago matapos ang bilang, naramdaman kong may tumulak sa kanang balikat ko.
“Aahhhh!” - Faye
Naout-of-balance ako kaya napaupo na lang ako sa damuhan. Si Faye, ayan, nakapikit pa rin. Hindi ko naman hinayaang mapatama sya sa kung saan. Hindi ko talaga sya binitawan.
“You alright?” I asked. Ngumulat na sya.
“Hala? Bumagsak na pala tayo? Okay ka lang ba?”
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----16th string-----
Start from the beginning
