-----16th string-----

Start from the beginning
                                        

“Don’t be. Aalalayan kita.” Tapos lumapit na nga ako sa may grills at humawak dun. Medyo mataas sya e, bandang dibdib ko na. >.<

“Hindi ko yata kaya e. Dito na lang kasi tayo.”

“Wag kang matakot. Hindi kita papabayaan.”

Ayan na. Hindi ko alam kung bakit pero I just got the courage to make liban. HAHAHAHA. Sige na nga. Baka naman may maganda syang rason kung bakit trip nya sa bubong kami maglasingan.

Kumapit na ko sa grills. Iaangat ko na sana yung sarili ko nang may naramdaman akong kamay sa bewang ko.

“Hoy! Anong ginagawa mo?”

“Tinutulungan ka. Alam ko kasing kapos ka sa height.”

“Yabang mo ah! Kaya ko na sarili ko.”

“Hindi mo kaya.” Tapos inaangat nya na ko.

“Sabing kaya ko na yung sari...” Napatigil ako sa pagsasalita nang lumingon ako sa likod para tumingin sa kanya at nakita kong nakapikit sya. Problema nito?

“Hoy. Bat ka nakapikit?” tanong ko. “Feel na feel mo masyado ang paghawak sakin ah! You Perv!”

“Are you nuts? Baka nakadress ka?” Ay oo nga no. HAHA Kakailanganin ko nga palang itaas yung legs ko para lumipat sa kabilang side at may tendency na makitaan nya ko.

“Sabi ko nga eh. HAHAHA”

“Lumiban ka na. Ang dami pang sinasabi. Ang bigat mo kaya.” Nun ko lang napansin na nasa bandang hita ko na yung grills. So ayun, niliban ko na nga yung legs ko tapos bumaba na ng dahan-dahan. Baka mabutas yung bubong. :D

“Ayan salamat ha! Hindi ba mabubutas tong bubong nyo?”

“Ganun ka ba kabigat para mabutas ang bubong na bato?” Ayy oo nga no. Concrete pala to. Hindi masyado halata kasi yung hubog nya parang bubong talaga tapos ang ganda pa ng pagkakapintura. Idol ko na talaga yung bahay nila.

“Sabi ko nga e. Madalas ka ba dito?”

“Yeah. Dito ako laging nakatambay. This is my favorite spot.” Sabi nya habang sya naman yung naliban. At nganga naman ang lola nyo. Effortless ang pagliban nya. Halata ngang sanay na sya. O baka naman myembro ng akyat bahay to?

“Talaga? Bakit naman?”

“Look up.” Sabi nya habang inaabot yung mga plastic na naiwan sa terrace.

“Haa?”

“Sabi ko tumingin ka sa langit.” At ginawa ko naman yung sinabi nya.

Pag tingin ko, WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOW sa ganda! Ang daming stars! Nagnining ning sila! Ang ganda ganda nilang tingnan! They’re beautiful like diamonds in the sky!

“So what can you say?” tanong nya.

“Shine bright like a diamond!”

“Silly.” Sabi nya pero nakangiti naman. EEEEEEH :’>

“Oh, bat may hawak kang tabla dyan?” Oo guys. Tama yung basa nyo. Hindi yan typo. May dala syang tabla na parang hubis table pero hindi pantay yung dalawang paa dun sa dalawa pang paa sa kabila. Ano kaya yun?

“Baka pantay yung bubong?” sabi nya tapos pinatong na yung abnormal mini-table nya sa bubong. At infairness, pantay na sya! Hindi na abormal yung table. Ang galing!

Tapos pinatong nya na dun yung drinks namin.

“Namangha ka na naman.” Umupo na sya sa right side ng table.

“Yeah! Amazing!” Umupo na din ako sa opposite side nya.

“Muka ngang dito ka talaga natambay. Nagpasadya ka pa talaga ng table para dito?”

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now