-----14th string-----

Start from the beginning
                                        

“As expected. Dyan ka lang order lang ako.”

LEEANNE’s POV

Nasa counter na si Vano ngayon at umoorder. Tae naman oh. Sabi ko iiwasan ko na tong hudyong to e. Pano na yan? Ang hirap tuloy. Hmmm, tumakas na kaya ako habang naorder sya? Kaso baka kung anong isipin nya e. Tsaka baka mahalata nyang iniiwasan ko sya. At pag nangyari yun, syempre itatanong nya kung bakit. Alangang sabihin kong kasi naiinlove na ko sa kanya? Yan na siguro ang pinakamalalang kabaliwan na magagawa ko sa tanang buhay ko. Kasi naman e pano nya ba nalamang nandito ako? TSK. Ah bahala na saka na ko magpapaliwanag sa kanya, tatakas na ko.

Kinuha ko na yung bag sa tabi ko at sinubo ang 5 pirasong mahahabang fries na natitira.

Tatakbo na ko in 3..... 2..... 1.....

Malapit na ko sa exit nang napatingin ako kay Ivan na pinagsisilbihan na ng crew. Nagbabayad na sya ngayon. At shocks, tatlong large fries ang nasa tray nya! Emegesh! Hindi ko pwedeng palampasin yon! Wag na nga tumakas. HAHAHAHAHAHA. Hindi ko na lang hahayaang mawalan ng lamang fries yung bibig ko para hindi kami masyado makapag-usap. >:))

IVAN’s POV

“Hey, what are you doing? Are you trying to kill yourself?” Pano, tong babaeng nasa harap ko, kala mo mauubusan. Punong-puno yung bibig. Pag naman di pa sya nabilaukan. -_-

“Hey take it easy. Patay gutom ka talaga.”

“............................” Di nya pa rin ako pinapansin. Ano ba to? Ganun na ba sya kaadik sa fries ngayon? Tsaka... 3 large fries yung binili ko para mapahaba yung usapan namin since halata namang iniiiwasan nya ko. Eh nasa pangalawang fries na yung kinakain nya. Ni hindi ko din sya makausap kasi hindi nawawalan ng laman yung bibig nya. Ahh bahala na nga. Kelangan ko syang makausap ng masinsinan ngayon. May sasabihin din kasi ako sa kanya.

“Hoy, kala ko ba may lakad ka?”

“Meron nga.”

“Bat di ka pa naalis?”

“Eto na yun.”

“Then why the heck did you refuse my invitation a while ago?”

“........................” Puno na naman yung bibig nya. Nginitian nya na lang ako. Ugh ang hirap kausap ng babaeng to. Sarap batukan.

“Fine. So tell me. Are you avoiding me?”

*cough cough cough* sabi na e. Hinablot nya yung float ko at walang ano-anong ininom. Hanep. -_-

“That’s mine.”

“Ah hehe. Painom.”

“Bawas na e.”

“Eh kasi naman kung anu-anong sinasabi mo dyan. Nasamid tuloy ako.”

“Bakit, totoo ba?”

“Ang alin?”

“Na iniiwasan mo ko?”

“HAA!? HINDI AH! BAT KO NAMAN GAGAWIN YUN!?” Nanlalaki pa yung mga mata nya.

“Sabi na e.”

“HINDI KAYA!”

“Wag ako Leeanne Faye. Hindi mo ko madadaan sa paganyan-ganyan. I know you a lot.”

“HINDI NGA KASE!”

“Then why are you so defensive?”

“I’m not!”

“Really?” Yung kaninang nanlalaki nyang mata, nagbebeautiful eyes na ngayon. -_-

“Ahh uhmmm.. I’m not.. I’m not iwasing naman talaga ihh.” Tapos nagpacute pa.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now