Sumakay na ko ng jeep papuntang trece, umupo sa pinakadulo sa right side, nagbayad ng 8pesos, at nagpalsak ng earphones sa tenga. Nang daig na namin ang sardinas, umandar na yung jeep. Since nasa right side ako ng jeep, nakaharap ako sa walter at nahagilap ng mata ko ang mcdo. Naalala ko tuloy si Faye.
Teka, si Faye ba yun? O.O
“Stop!” Napasigaw ako ng di oras. Ewan, kusa na lang lumabas ang mga salitang yon sa bibig ko. Hindi naman ako sigurado kung si Faye talaga yon pero bumaba na ko ng jeep. Nakakahiya namang hindi bumaba. Papasko ko na lang sa driver yung 8pesos. Naglalakad na ko ngayon sa overpass. Ewan, kusa na lang din lumalakad yung paa ko e. Nung pababa na ko sa overpass, tumingin ako saglit sa Mcdo. So, sya nga yon. Malayo pa lang, alam na alam ko nang si Faye yung nakaupo sa may salamin. Grabe lumamon ng fries e. -_- Pero kung titingnan sya ngayon, para bang ang bigat ng dinadala nya. Nahirapan kaya sya sa exam kanina, nahihirapan na sya sa relasyon nila ni Zeke, o napagtanto nyang mas gwapo ako sa boyfriend nya? Silly, Ivan. Nahahawa ka na nga sa stupidity nya. >:))
Sa Mcdo...
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, at tinakpan ang mata nya mula sa likod...
“AHH! Sino ka?” sabi nya habang hawak ang kamay ko at pinipilit tong alisin sa mata nya.
“....................”
“Zeke? Sabi na nga ba hindi mo ko matitiis e!” Right. Zeke na naman. -_-
“No.” Hindi ko pa rin inaalis yung kamay ko sa mata nya. Ngayong nagsalita na ko, pag di nya pa ko nakilala ipapakain ko sa kanya yung lalagyan ng fries.
“HALA! Sino ka? Holdap ba to!? Shocks! Wala ho akong pera maniwala kayo sa kin! Kunin nyo na lang yung bag ko pero iwan nyo na yung mga pagkaen sa table ko! Wag nyo din po akong sasaktan please! Wag nyo kong dadalhin sa kung saan! Virg...” Yung kamay kong nakatakip sa mata nya, nilipat ko sa bibig nya. Ugh, nagtitinginan na yung mga tao samin. Tong babaeng to talaga -_______________-
“Tanga mo talaga.” Tinanggal ko na yung kamay ko sa bibig nya tapos humarap na sya sakin.
“Vano!? Ikaw pala yan! Langya ka tinakot mo ko!”
“Pinahiya mo naman ako. So quits na.”
“Hoy anong pinahiya kita?”
“Tatanong pa.”
“Eh ikaw kasi e, ang pangit ng approach mo sakin. Kitang nagkoconcentrate ako dito e! Ang lalim lalim ng iniisip ko tapos babanat ka ng ganyan. Ang sarap-sarap ng kain ko dito tapos sisirain mo yung moment. Nag-eenjoy ako sa pagsisight-seeing tapos...” Nilapat ko yung hintuturo ko sa labi nya. Ang daming sinasabi. -_-
“Pwede ba ipahinga mo muna yang bibig mo?”
“Eh kasi naman nagpapaliwanag ako. Ako na nga tong pinagtripan mo ikaw pa yung nagagalit dyan. Ang totoo nyan ikaw naman talaga yung nagpahiya sa sarili mo. Sino ba kasing nagsabi sayo na gawin mo yun ha? Ako ba? Tsaka sa dinami-dami ng tatakpan mo mata pa. Malamang mag...”
“Ugh will you shut your mouth?”
“Ah, hehe sabi ko nga. Upo ka oh.” I sat in front of her.
“Sa lahat ng sinabi mo magmula kanina, yan lang ang may sense.”
“Aba talaga to! Ikaw na nga tong nakikiupo dyan! Kanina lang nananahimik ako tapos bigla ka na lang na...”
“SHHHHHHHHHHHHHHH!”
“Ehehehe. Gusto mo ko tumahimik?”
“Is that even a question?”
“Bili mo ko fries.”
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----14th string-----
Start from the beginning
