Chapter 04

40 2 0
                                    

CHAPTER 04

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

CHAPTER 04

--

Tahimik lang akong nakatitig ngayon sa kisame ng kuwarto ko dito sa BH. Wala sa sarili akong napangiti at marahang natawa nang maalala ko ang nangyari kanina sa mini forest.

Isa lang ang masasabi ko sa babaeng 'yun, hindi lang pala ang mga tingin niya sa akin ang kakaiba kundi ang buong pagkatao niya. Hindi ko maintindihan kung bakit dali-dali siyang tumakbo dahil sa sinabi ko. Eh biro lang naman 'yun.

Siguro hindi talaga ako pwedeng maging joker o clown. Sayang, naging isa sa mga pangarap ko pa naman yun noong bata pa lang ako.

"Uy Remus. Hindi ka pa ba kakain? Kanina ka pa namin tinatawag ah." nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at sumilip doon si Juno.

"Susunod na ako." tumayo ako at tipid siyang ningitian. Akala ko aalis na siya pagkatapos kong sumagot pero nanatili pa rin siyang nakatayo doon habang sinisiyasat ang mukha ko kaya napakunot-noo ako.

"Bakit ganyan ka makatingin? Susunod na nga lang ako. Labas na." sabi ko at sumenyas pa.

Nakita ko ang pag-ngisi niya, "May hindi ka ba sinasabi sa amin?"

Lalong napakunot ang noo ko sa tanong niya, "Ano bang sinasabi mo diyan?"

"Nakita ko kasing ngumingiti ka mag-isa na parang nagre-reminisce. Aminin mo nga, nakipag-date ka ba kanina kaya ka nawala bigla sa classroom? Meron ka bang girlfriend na itinatago sa amin? Kaya ba wala kang tinatanggap sa mga binibigay sayo?" sunod-sunod niyang tanong kaya agad akong napailing-iling.

"Hindi 'no! Wala ako nun." pag-depensa ko kaagad. Mukhang hindi naman siya naniwala sa sinabi ko dahil nandoon pa rin ang nakakaloko niyang ngiti. Bakit parang parehas na sila ngumiti ngayon ni Xian? Takte.

Hindi ko nalang siya pinansin at lumabas ng kuwarto. Naramdaman ko namang sumunod siya. Dumiretso ako sa dining area at naamoy kaagad ang nakahain na pagkain sa table. Kumakain pa pala si Xian at si kuya Ford, isa rin sa mga ka-board namin.

"Oh, Remus! Kamusta?" bati sa akin ni kuya Ford. Hindi namin siya madalas nakikita dahil nagtatrabaho siya bilang call-center agent. Tuwing dinner lang namin siya nakakasama.

"Okay lang naman, kuya Ford. Ikaw? Day-off mo ba ngayon?" tanong ko pabalik. Naalala ko kasi na tuwing friday ay day-off niya dahil madalas kaming mag-kwentuhan at mag-movie marathon magdamag dahil walang pasok kinabukasan.

"Ayos lang din naman. May pasok ako ngayon kasi iniba ko ang day-off ko. Nagmamadali na nga akong ubusin 'to kasi may dadaanan pa ako bago pumasok sa work." sagot niya at mas binilisan pa ang pagkain.

His LamentUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum