Tahimik na tumango si Sam saka pumasok sa loob ng kuwarto ni Xander.

"Mommy, yayay ulo," reklamo ni Xander sa ina nang pumasok ito. Tinuturo nito ang ulo.

"Gusto mo hilutin ni mommy ang ulo ng gwapo niyang baby?"

"Mommy, sino siya?" tanong ng bata nang makita si Alex na sumunod kay Sam sa kuwarto.

"Ah siya si Alex Lagdameo," simple sagot ni Sam.

"Kumusta ka na, Xander? Gusto mo ba ako na lang ang maghilot sa ulo mo?"

"No, gusto ko mommy lang," tanggi nito sa maliit na boses, halatang nanglalambot pa.

"Pwede bang dito muna ako sa tabi mo? Babantayan lang kita."

Tumingin ito sa ina na parang nagtataka. Halos hindi makahinga si Sam sa nararamdaman ng oras na iyon. What are you trying to do to my son, Alex. Ginugulo mo ang buhay naming mag-ina. Ito ang laman ng isipan ni Sam ng oras na iyon.

"Anak, okay lang ba sa iyo na nandito si Alex? 

"Opo, mommy." Bumaling ito kay Alex. "May  candy ka?"

"Anak, ibibili na lang kita ng candy mamaya," maagap na sabi ni Sam.

"It's okay, hon. Ako na ang bahala." Dinukot nito ang cellphone sa bulsa ng pantalon at saka may pinindot na numero. "Usting, pumunta ka kaagad sa grocery at bilhin mo ang iba't ibang klaseng candies na makita mo. Dumaan ka na rin sa restaurant at umorder ka ng pagkain. Orderin mo iyong mga paboritong ulam ng Ma'am Sandy mo, okay?"

"Alex, anong ginagawa mo?" bulong ni Sam sa mahinang boses para hindi marinig ng anak.

"Nagpapabili lang ng gusto ng anak natin at saka ng favorite dishes mo. Alam ni Usting lahat iyon, remember, matagal na nating family driver iyon."

"I don't know what to think Alex, nalilito ako sa nangyayari ngayon."

"Honey, I hope you'll remember Usting when you see him, sige ka baka magtampo iyon pag hindi mo matandaan. Balat-sibuyas pa naman ang driver natin," tudyo ni Alex.

"Misis, nakahanda na po ang dugo na isasalin kay Xander," sabi ng nurse na hindi nila namalayang pumasok ng kuwarto.

"Thank you, nurse."

"Miss, sigurado ba kayo na magiging okay lang ang anak namin?" Nag-aalalang tanong ni Alex sa nurse.

"Opo, Sir. I will monitor his vital signs closely. Wala po kayong dapat ipag-alala."

"Siguraduhin lang ninyo na magiging okay ang anak ko kung ayaw ninyong mawalan ng trabaho," matigas na banta ni Alex.

"Alex, ano ba?" mahinang saway ni Sam. Tinitigan nito si Alex ng matalim.

"What?" takang tanong ni Alex sa kanya.

Sumenyas si Sam na humingi ng sorry si Alex sa sinabi nito sa batang nurse na medyo natataranta na.

Napakamot sa batok si Alex. "Miss, sorry sa nasabi ko. Pasensya na medyo natetense lang ako ngayon dahil anak ko ang may sakit."

"Okay lang po, Sir. Naiintindihan ko po kayo."

Magsasalita pa sana si Alex nang mag-ring ang cellphone nito.

"Hi Sweetheart! How are you, baby?"

"Daddy, I miss you na! When are you going home? Is mommy coming with you?"

"Baby, soon. Are you behaving well? HIndi mo binibigyan ng sakit ng ulo ang Yaya Nita mo?"

"I'm good, daddy. Tita Lillian was here earlier, she bought me another dress and a doll."

Maghihintay Sayo (The Love Story of Alex and Sandy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora