Krisha's Point Of View
The time has come.
Heto na.
Heto na.
Waaaaah!
First day of school.
Magkikita kita na naman kami ulit.
Well hindi naman kami nawawalan ng communication sa isa't isa kahit bakasyon pero iba parin yung saya at excitement na mararamdaman mo sa fact na magkakasama kayo ng Barkada mo sa buong school year.
Hay, naalala ko tuloy yung mga pinag gagagawa namin noon.
"Krishaaaa! Anong oras ba sila dadating dito? Maghanda ka na diyan para di na kayo matagalan pa mamaya. Baka malate pa kayo. Matutulog na muna ako ulit, ask Inday if you need something ha? Mag-ingat kayo."
Tama na nga yang pagbabalik tanaw mo Krisha. Sinisigawan ka na ng mama mo oh.
"Sige Ma. Salamat!"
Andito ako ngayon sa kwarto ko, nagsusuklay ng buhok sa harap ng bintana, inaabangan ang pagdating nila.
Time check: 7:02 AM
Asan na ba kasi sila? 7:30 magsisimula yung program para sa first day of school at saka malayo pa yung bahay namin papuntang Marian Academy, Mga 10 minutes na byahe.
Kinuha ko muna yung cellphone ko, umupo sa kama at nag tweet: Goodbye sophomores, hello juniors! #FirstDayHigh
Beeeeppp beeeeeep!
Tumayo agad ako sa pagkakaupo at pumunta sa bintana.
Bumungad naman saakin ang isang magarang sasakyan na may mga gwapo't magagandang nilalang ang lumalabas. Wooh matutuwa sila kapag sinabihan ko sila ng gwapo at magaganda, sorry na lang sila hanggang sa pag-iisip ko lang yun. Haha
Sinimulan ko ng isuot yung bag at rubber shoes ko. Buti na lang talaga pwede pa mag civilian kasi mas comfortable ako sa suot na to.
"Krisha bilisan mo naman!"
"Kriiinnggg! late na talaga tayooo!"
Yes, Kring-Kring yung tawag nila saakin. hindi yung kring ng bells at alarm clock. Yung magandang Kring Haha
Pagkatapos ko itong masuot, agad-agad akong lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan namin. Yes, you've red it right. Sasakyan namin, sasakyan ng barkada. Mahirap na kapag magcocommute pa at saka minsan kasi sabay sabay yung lakad ng barkada lalo na kapag gumagala kaya nagpabili na lang kami sa mga parents namin. And luckily, pinayagan naman kami pero may dalawang kondisyon. Una, isang sasakyan lang dapat at pangalawa, dapat hindi ito ang maging dahilan ng pag-aaway-away namin, if ever.
Hindi pa kami pwedeng magdrive kasi wala pa kaming lisensya kaya naghire na lang din yung parents namin ng isang driver. At dun namin nakilala si Tata, ang fun-to-be-with driver ng barkada.
Kung tinatanong niyo if kasya kami sa isang kotse, syempre hindi. Yung iba naman, almost boys, may mga motor na kaya dun na sila sumasakay. Hindi naman mga simpleng motor yun kundi yung mga latest, mamahalin at mga matitibay.
Sumakay agad ako sa kotse. Hindi pa nga ako nakakapag seatbelt eh pinaandar na. Di naman halatang nagmamadali sila.
"7:09 na. Bakit ba kasi ang tagal niyong dumating?" Tanong ko sa kanila.
"To kasing si Tata, nakalimutan na first day of school ngayon. 6:30 na siya bumangon tapos ang lalayo pa ng mga bahay niyo, hay nako!" Sagot naman ni Joan.
Tata lang talaga tawag namin sa kanya. Ayaw niyang tinatawag siyang uncle, manong o kahit kuya pero may anak at asawa na yan.
"Di kasi kayo nagtext na kailangan maaga kayo ngayon kasi first day." pag-angal ni Tata.
YOU ARE READING
CREWventures ✨
RandomMarvin • Charmel • Joan Jeska • Alacksand • Kim Jezie • Abequiel Kyla • Faith • Junmark • Jude Karl • Fresalia Nica • Krisha • Rain • Ed D'jeaur • Kriza Jane • Louise Danica • Mary Dyanne • Kyle • Erby Kaye • Bethnicer • Neal Alexander • Trizia • Ja...
