Tumilaok na ang manok para sa hudyat na umaga na naman.
Isa isang nagtunugan ang alarm clock ng magkakapatid.
"Oyy! Ang ingay ng mga cellphone nyo!" Sigaw ng nanay nila na kasalukuyang nag uunat
"Hoy Krystel gumising ka na, baka malate na naman ako sa school dahil sa'yo" Sermon ng pangatlong anak sa pamangkin nito na kaidaran nya lang.
"May almusal na ba? Bumili ka na ba Shaireen?" Sabay na boses ng tatay nila
"Wala pa po tay, sandali lang." Sagot ng panganay na anak
"Patayin niyo na yang mga cellphone nyo!" Sigaw ng nanay nila.
"Umaga na ba?"
"Ehhh. Inaantok pa ko eh"
"Natutulog yung tao eh!"
"Ano ba naman yan"
"5 minutes pa!"
Sagot ng mga bata habang inaalog
"Shaireen! Bumili ka na ng almusal!" Sigaw ng tatay nila
"Ang ingay nyo!" Sigaw ng pangalawa nilang anak
"Bilisan mo maligo!" Sigaw ng pangatlong anak sa harap ng pinto ng cr habang kinakatok ito
Habang nagkakagulo sa loob ng bahay may tumawag na batang babae
"Temporas"
Agad naman napatingin ang lahat ng tao sa loob ng bahay
"Uy! Baka bisita ko yun!"
"Di! Sakin yun!"
"Baka classmate ko yun!"
"Baka kumare ko yun!"
Kaya lahat sila ay nagtungo sa pinto at nag unahan pagbuksan ang kumatok
Dahil sa dami nila , nagsiksikan sila , makasilip lamang
"Sino po sila?" Sabay na sabi nila
Napatunganga naman ang bata at kinilatis sila.
"Ay! Si Dhesa po?" Hanap nito
"Oh! Ako yung hanap! Magsitigil kayo!" At siniksik ni Dhesa ang mga ate nito para lang makalabas ng pinto.
"Sus! Kala ko bisita ko eh!"
"Temporas kasi sinigaw kaya naglabasan tuloy tayo!"
"Hay naku."
"Osya! Balik sa ginagawa niyo!" Sigaw ng nanay nito
*Scene 2*
"Tapos na kong kumain. Ma, yung project ko po ah." Sabi ni Kate
