Kuya, kilala mu poh ba si kuya drew? Tanung ni pia sa kapatid nito ng makauwi na sila galing sa school. "Oo naman. Katikista namin yun ei. Kilalang kilala nga ako nun. Paborito ako nun, ako lng kasi laging nagtatanung sa klase namin." "Ah ganun ba? Nakagrupo ko kasi yun nung nagphilgrimage tayo, sya rin yung tinuturo ko sayo nun nsa simbahan na tayo.magkakilala na pala kayo." Hndi pa rin mawala sa isip ni pia yung nangyari sa school niya, pakiramdam niya siya lng ang hindi nakakakilala k drew bilang katikista sa paaralan nila. Sa ibang pagkakataon pa sila nagkakilala at hndi mismo sa paaralan nila. Samantalang kilala nito ang kuya nya. Matapos nilang maghapunan, pumasok si pia sa kwarto at kinuha ang name tag na ginamit niya sa philgrimage mula sa aparador, nakasulaT doon ang mga pangalan ng mga kagrupo niya, madalas niya itong ginagawa, namimis nya kasi ang mga ito, sya ang bunso sa grupo, at dahil baby sya ng mga ito, dalawa pa ang nakuha nyang souvinier. Binasa niya isa isa ang mga nkasulat doon, at dahil dun naalala ulit niya ang naging usapan nila ng lalaking yun, "Kuya drew?!!" Gulat na banggit ni Sophie sa lalaking kaharap niya. "Ano pong ginagawa nyo dito? Bat kayo nandito?" Sunod sunod na tanung niya. Hndi kasi siya makapaniwala na may makikita pa siyang isa sa mga kagrupo niya sa philgrimage na iyon. Habang nakatitig sya sa mukha ng lalaki ay nagsalita ito, "sophia? Tama ba? Kmusta na? Katikista ako dito." Kaya pala, hndi nya naman inakala na magkikita pa sila nito o kung sino pa man sa mga nkagrupo niya. "Opo ako nga, dito poh pala kayo nagtuturo. Buti naalala nyo pa ko?." "Syempre naman, makakalimutan ko ba naman ang bunso sa grupo namin?" Hahahahah sabay silang nagtawanan.
Naisip ni pia, sana hndi lng si kuya drew ang makita ko ulit, gusto ko rin makita si ate dada at ang iba pa.
Mabilis na lumipas ang mga araw, nasa fourth year high school na si sophia. Wala na rin sa isip niya ang mga nangyari nung freshmen pa lamang siya, mas marami na ang mga exciting na nangyari, nung nasa third year siya ay sumali siya bilang provitionary caddete ng CAT, kaya ngayong fourth year ay isa siya sa mga officer ng batalyon. Required silang magdrill bawat hapon, lahat ng seniors, part iyun ng pagaaral nila sa high school at requirements para makagraduate. Hindi nya na problema yun dahil opisyal na sya. Isang hapon habang nasa drill sila, hndi sila pinayagan na huminto kahit may awarding na nagaganap. Dahil iyon sa nakalipas na foundation day, maraming sports ang dinaos, nanguna si pia sa girls marathon at second placer din sya sa chess board. Pero hndi nya nakuha ang mga certification at premyo nya. Sayang din yun. Sabagay, umpisa pa lng naman ng taon at marami pa siyang award na maaaring makuha. Maraming okasyon na ginaganap sa school nila, nutrition month, buwan ng wika, valentines, pasko at kung anu anu pa. May cathiketical day din, naalala niya nung third year sya, dpat sana sya yung panalo sa poster making, kaso nga lng nahuli siya ng dating kaya hndi sya qualified sa first place, may time limit daw kasi. Pero wala naman yun sakanya. Ngayong taon, malapit na ulit ang first day ng cathecism. Hndi pa nila alam kung sino magtuturo sakanila. Sabagay, isang beses lng naman iyon sa isang linggo kaya hndi magging malaking bagay iyon. At isa pa, sa values nila mapupunta ang grades nun at ilang porsyento lamang. Kaya parang bale wala lng para kay pia ang subject na yun.
Busy man si pia sa mga non curicular activities, hndi nya pa rin pinapabayaan ang pag aaral nya, gusto nya kasing patunayan sa mga magulang nya na matalino sya, hndi man nya nabigyan ng pagkakataon na muling umakyat ang magulang niya sa stage para sabitan siya ng medalya, mula first year hanggang third year, gusto niyang sikapin na mapaakyat muli ang mga ito sa stage kagaya nung nasa elementarya pa lamang siya. Sinisikap ni pia na mabigyan ng karangalan ang pamilya niya, gusto nya kasing bumawi, at gusto nyang matupad ang mga pangarap niya. Mataas ang expectation niya sa sarili nya, pati na rin ng mga kaklase at kaibigan niya.
